24

4.3K 63 1
                                    

Chapter 24

Minsan masaya din pala na may sariling company ang pamilya niyo. You have the access to the restricted parts of the building. At ako bilang anak ni Priscilla Magalona, the CEO of the Edward-Priscilla Magalona Group of Companies, I have the access to the building's rooftop which is 312 meters above grade level or 78-storey high. Isa ang EPM building sa pinakamataas na building dito sa Makati. And thank God for this. Sa sobrang taas nito, makikita mo ang kabuuan ng pinakabusy-ng siyudad sa Metro Manila. At dahil nasa city ka, this rooftop will be the closest thing to a mountain. Especially if you want to be alone.

Yung nangyari kanina sa Christmas party? Yung halik na yun? Alam ko kahit na hindi sinasadya yun, alam ko sa sarili kong ginusto kong mangyari yun. But I know my limitations. Julie likes someone else. And I'm just her bestfriend. Or I was. At sa nangyaring yun mas lalo pa akong naguluhan sa relasyon namin. Yung pamumula niya kanina, was that because she liked it too or was it because she was embarrassed and because the guy she likes is there and I'm sure that he saw us? Ang gulo! Ang gulo-gulo! Naghilamos nanaman ako ng mukha gamit ang mga palad ko saka nagbuntong-hininga habang pinagmamasdan ang mga ilaw mula sa ibang buildings at sa mga kotse sa baba.

Nakaupo lang ako dito sa edge ng building. Wala akong planong magpakamatay. Gusto ko lang talagang maupo dito. Masarap mag-isip dito. Nagulat ako nang magvibrate ang phone sa bulsa ko. I fished it out of my pocket and opened the message.

Mom:

Where are you?

Hindi ko siya nireplyan. Sa halip, tinawagan ko na lang siya. Hindi pa man nakakadalawang ring ay agad na itong sinagot ni mom.

"Where are you?" tanong niya ulit.

"I'm in EPM, mom. Why?"

"What are you doing there?"

"Wala. I'm just here. I don't want to go home yet." sabi ko.

"Are you at the rooftop? Because based from your voice and the noise of the wind, I think that you are there. Will you go down and get yourself home please?" ani mom.

"Ma, relax. Nagpapahangin lang naman ako eh." sagot ko.

"You're making me worried, Elmo. You've been acting strange these past weeks and now this? Malalaman ko na lang na nasa rooftop ka ng EPM and you are alone?! Anong sunod? Ibabalita na lang sa tv that the son of Priscilla Magalona jumped off the 78th floor?!" halata sa boses ni mom ang pag-aalala at ang pagpapanic.

"Okay fine. I'll go home. Sige na ma. Stop worrying about me. Wala akong planong magpakamatay, okay? Atleast not today." sabi ko habang tumatayo mula sa pagkakaupo sa edge.

"Don't you dare say those things! Umuwi ka na and I want you here in an hour. You hear me? One hour Elmo Moses."

"Okay ma. I love you." sabi ko and ended the call.

Sumakay na ko sa executive's elevator saka na bumaba sa ground floor. Naglakad ako palabas at saka na sumakay sa kotse ko and went home.

Pagdating sa bahay ay naabutan kong nakaupo si mom sa may breakfast bar at nakasubsob ang ulo niya sa braso niya. Lumapit ako and hugged her dahilan para mapaangat siya ng ulo.

"I'm home, ma." sabi ko. Agad niya kong niyakap at saka pa pinaghahalikan.

"You had me worried sick! Bakit ka ba nasa rooftop ng EPM ha? Ano bang binabalak mong bata ka? Are you trying to kill yourself? Ano bang problema mo? Ha?" sunud-sunod na tanong niya.

"Relax, ma. I just went there para magpahangin at mag-isip. Yun lang promise! I'm sorry if I made you worried." sabi ko.

"Paano ako magrerelax ha? That's a 78-storey building Elmo! You're an Architecture student. You know how high that is diba? And yet you went up there!"

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon