44

3.4K 69 3
                                    

Chapter 44

Nandito nanaman ako sa rooftop ng EPM. I have beer cans with me at nakaupo nanaman ako sa edge. Naalala ko na ang huling punta ko rito was when I was depressed dahil sa nangyayari sa amin ni Julie. And now I'm back here for the same reason. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit sa kanya for wanting to be in London with her parents. Okay lang naman sa akin yun. Pero the fact that she kept it from me for a very long time, I guess my anger is valid.

I opened another can and drank my 5th beer. Mabuti pa dito sa rooftop, walang ingay, walang sikreto.

"Alam mo, hindi ka dapat umuupo dito kapag depressed ka at nakainom. Paano na lang kung itulak ka ng demonyo at maisipan mong tumalon? Edi nawalan naman ng boyfriend ang kapatid ko." nagulat ako dahil andito si Kuya Fort. Umupo siya sa tabi ko saka nagbukas ng isa pang beer.

Lumingon lang ako saglit sa kanya at agad din namang nagbalik ng tingin sa harapan.

"When you and Julie were still kids, nakita na agad nila mama at papa sa inyo yung future na magkasama kayo. Dumating pa sa point na gusto nila mama at ni Tita Priscilla na i-fixed marriage na lang kayo ni Julie para may kasiguraduhan sila. Pero hindi naman natuloy yun since hindi naman tradition ng family natin yun. Si Julie, mula pagkabata niya kasama ka na niya. Even in her plans ay kasama ka niya. Julie dreamt of having her own firm na kapartner ka. She dreamt of having a life with someone who would support her in every decision she makes. Pinangarap niya yung buhay na kasama ka, Elmo. Planado lahat kay Julie. She even has deadlines in everything. Gusto niyang maging isang licensed Architect at the age of 24. She wants to have her own firm by 25 and she wants to be settled at the age of 27. At sa lahat ng yun, andun ka sa plano niya. Kasama ka niya sa firm as her partner, at kasama ka sa buhay as her husband. So you see, Elmo. That decision she made was also for you. Kasi gusto niya na kapag sa London siya magttake ng exam, and when she finally has her own office, you'll be petitioned to live with her. It may not seem like it but my sister has been in love with you since highschool kayo. Although she herself doesn't know that. Kaya payagan mo na siya."

"Hindi ko naman siya pipigilan kuya eh. Ayoko lang yung tinatago niya sa akin yung mga ganyang bagay." sabi ko.

"Alam ko. Mali na tinago niya yun. Matagal ko na siyang pinapaalalahanan tungkol dun at sina mama din nagsasabi na sa kanya. Pero we all know Julie. Sa tingin niya lahat ng bagay may tamang timing." sabi ni Kuya Fort. Umakbay siya sa akin at saka muling nagsalita. "Julie loves you, Elmo. Makikita mo sa mga mata niya yun. She only has eyes for you."

Matapos naming mag-usap ni Kuya Fort ay tumayo na siya at naghanda ng umalis.

"Uuwi na ko dude. Baka hinahanap na ko ng asawa ko. Happy Birthday, Elmo. And please don't be mad with my sister anymore. Mahal ka nun."

"Mahal ko rin naman siya kuya." sabi ko.

"That's my boy. Sige na." umalis na siya at naiwan nanaman akong mag-isa dito sa rooftop.

Nagpalipas ako ng umaga sa rooftop at nang maisipang umuwi ay umalis na rin ako. Dumaan muna ako sa isang flower shop saka bumili ng isang bungkos na sunflowers.

Pagdating sa bahay namin ay naabutan kong nagliligpit pa lang ang mga nasa catering at mobile bar. Inumaga na rin sila. Hindi muna ako dumiretso sa loob at naglakad papunta sa bahay nila Julie.

"Oh, Elmo. Ikaw pala." bungad ni manang.

"Si Julie po?" tanong ko.

"Nasa kwarto. Kasama sila Maqui. Akyatin mo na lang dun iho." tumango na ako saka naglakad paakyat sa kwarto ni Julie.

Humugot muna ako ng malalim na hininga at saka kumatok.

Nagbukas ang pinto at bumungad siya sa akin.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon