Chapter 18
Last game na namin ngayon. Tapos mamayang gabi naman yung acquaintance party. Gagawin yun sa Frost, yung ice bar ng kaibigan ni Maqui na si Benj. Nasa shower room kami ng team at naghahanda na para sa game nang lumapit sa akin si Kevin.
"Dude, may naghahanap sayo." aniya.
"Sino?" pagtataka ko.
Kibit-balikat lang naman siya kaya lumabas na lang ako mula sa shower room at pumunta sa may exit. Pagdating ko dun ay nakita ko si Cielo na nakatayo. Napangiti naman ako kahit paano dahil first time na makikipag-usap siya sa akin.
"Cielo." tawag ko.
"Uy! Hi, Elmo." bati niya. "Uhm... Good luck sa inyo ha? Alam ko namang kaya ng Arki talunin yung CE eh. Kaya niyo yan." sabi niya.
"Thank you ha." sagot ko naman.
"Uhm... Onga pala. Yung ano. Uhm... Kay Miguel at Julie. Ano... Uhm..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya kaya napasinghap ako.
"Alam mo ang tungkol dun?" tanong ko.
"Ano... Kasi... Medyo pinag-uusapan sa atin yun eh. Sabi nila ano daw. Uhm... Nililigawan daw ni Miguel si Julie..." kumurap ako sa sinabi niya. Nililigawan? Ibig sabihin pumayag si Julie. At kung pumayag siya, ibig sabihin lang nun may gusto rin siya kay Miguel.
"Ganun ba?" wala sa sariling sabi ko.
"H-hindi mo alam yun?" tanong niya. Umiling naman ako saka napabuntong-hininga. "Uhm... Sorry. Nakwento sa akin ni Kevin na may gusto ka daw kay Julie." aniya pa.
"Tss. Ang daldal talaga ng pinsan mo." kamot-ulong sabi ko. "Sorry Cielo ha?"
"Para saan?" pagtataka niya.
"Kasi hindi kita matutulungan kay Miguel. Ayaw naman akong kausapin ni Julie. Last week pa niya ko di pinapansin. I tried talking to her but she just won't talk to me."
"No it's okay. Alam ko namang hindi ako magugustuhan ni Miguel eh. Pero ikaw, pano ka?" tanong niya.
"I'm fine. Alam ko rin namang di ako magugustuhan ng bestfriend ko."
"That's impossible. Iba yung tingin niya sayo kapag magkasama kayo eh. And iba yung saya niya. Don't worry. Gagawan natin ng paraan yan. Tutulungan ka namin ni Kevin."
Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. Ayos din pala kahit nabasted agad ako ni Cielo eh. Kasi magkaibigan pa rin kami at in love naman ako sa bestfriend ko. Siguro kaya okay lang sa akin nun na magkagusto siya kay Miguel dahil si Julie pala talaga ang gusto ko. Hindi ko lang agad narealize yun.
"Anyway. Good luck sa inyo sa game ha?" sabi niya.
"Sige. Thank you." sabi ko saka na ako pumasok uli sa shower room.
"Magalona for 3 points!" announce ng commentator. Fourth quarter na ng game at lamang kami by 5 points sa CE.
Naagaw ng kalaban ang bola kaya tumakbo kami papunta sa court namin. Mabuti na lang at magaling at mabilis tong si Kevin kaya bago pa man makapwesto ang player nila para makashoot ay agad na niya itong naagaw at ipinasa kay Jack. May 10 seconds na lang na natitira kaya naman mas lalong lumalakas ang cheer ng bawat departments. Pumwesto si Axel sa 3-point area at sumenyas kay Jack na sa kanya ipasa. Ito na ang trademark strategy namin. Gagawin namin to para sa last shot. Tumakbo at nagdribble saglit si Jack at iniwasang maagaw ng kabila ang bola. Pagkatapos nun ay inihagis niya kay Axel ang bola at nagdribble naman si Axel. May humarang na isang player sa kanya kaya nang tumalon siya para kunwari ay magshshoot ay nilinlang niya ito at ipinasa sa akin ang bola saka ako nagdunk.