52

3K 70 0
                                    

Chapter 52

Ilang araw na ang makalipas nang mapag-usapan namin ni Julie ang tungkol sa baby. Sa totoo lang nasermunan nanaman ako nun. Napakaexcited ko nanaman daw eh hindi pa naman daw kami kasal at hindi pa siya nakakagraduate. Tinatawanan ko lang naman siya. Syempre kahit naman excited akong magkaron kami ng baby eh gusto ko din naman na masolo ko muna siya ng kahit ilang years muna pagkatapos namin ikasal. Aba! 3 taon ko na siyang di nakakasama ng matagal ha? The last time we were together ay isang linggo lang ako sa London. Bitin na bitin kaya yung bakasyon ko nun.

"Bro, tumawag si Axel." ani Will.

Andito kami sa office ngayon at may tinatapos akong design proposal para kay Tito Wilfred. May bago kasing project ang company and he wants to see my design kaya minamadali ko na.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Nagyayaya daw si Jack na magkita-kita ngayon. Ano? G?"

"What time? Baka mag-OT ako eh."

"Wag ka na mag-OT. Hindi pa naman kailangan ni dad yan eh." sabi niya saka pa tinuro ang computer ko.

"Ts. Dude, nagsabi si tito saken kahapon. He wants to see this design by 4pm." sabi ko naman at nagbalik na ng tingin sa computer.

"Basta tapusin mo na yan. Nagsabi na ko kay Axel na sasama tayo. May sasabihin daw si Jack eh." sabi niya. "Sige dude. Punta muna ako sa site. Balik ako maya." paalam niya saka na sila umalis ni Charlie.

Dahil naiwan akong mag-isa sa office at ang tanging kasama na lang ay ang secretary ni tito at ang ibang cadd operators at interns ay nakagawa ako ng maayos. Tahimik naman kasi dahil lahat ay busy so hindi ako nadistract ng kahit ng ano.

"Sir, lunch na po. May ipapabili po ba kayo?" napapitlag ako nang may nagbukas sa pinto ng office ko. Si Benj lang pala, one of our interns. Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang 12:30 na ng tanghali. Lunch na nga.

"Ha? Lalabas ba kayo?" tumango naman siya saka lumingon sa mga kasamahan. "Ah osige. Pakibili na lang ako ng gatorade sa baba. Yung 1 liter ha? Tapos kayo na bahala sa pagkain. Tas yung sukli inyo na." sabi ko saka nag-abot ng pera sa kanya.

"Sige po." sabi niya. "Alis po muna kami."

Tumango na ako saka nagbalik sa trabaho. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. Agad kong sinilip yun at nakitang galing ito kay Julie. Napangiti naman ako nang mabasa ang message niya.

Dear ❤️:

Good morning, dear! Summer slept in my room last night and nagising ako dahil binagsak niya yung iPad ko. Hahahaha. Buti na lang the floor is carpeted. She got bored ata sa Baby Hazel na app. 😂 Anyway, it's lunch time baby. Eat ka na ha? I'm going to back to sleep muna. Wish me luck mamaya, dear! Thesis day eh! 🙏 I love you, dear. I wanna see you na. 😘😘😘

Agad naman akong nagtype ng message para sa kanya.

Me:

Hey there, beautiful! Hahahaha. I guess Apple needs to upgrade their gadgets. I mean, dapat may detector sila na pag ayaw mo na ng game kusa na magpapalit. Hahaha. Joke lang. 😂 Anyway, good luck on your thesis dear. I know naman na kaya mo yan. Ikaw pa ba? Julie ko ata yan! 🎉 Sige na dear. Go back to sleep. I love you, dear. I'm just waiting for Benj to bring my lunch. May tinatapos pa kong design eh. I love you! Paulit-ulit? Pero I love you talaga! Hahaha. 😘

Muli na akong nagbalik ng tingin sa computer at tinuloy ang pagrender. Maya-maya ay nagvibrate nanaman ang phone ko at lumitaw ang pangalan ni Julie at may tatlong messages pa siya. Yung isa voice message.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon