32

4.1K 67 3
                                    

Chapter 32

"So?" tanong ni Bonna nang makauwi kami ni Will.

"Tomorrow ang flight namin. Are you sure you'll stay here?" tanong ni Will sa kanya.

"Yup. Still enjoying Cebu. Besides, next week pa pasok namin so susulitin ko na to." sagot niya sabay higa uli sa couch.

"Mag-aayos na ko ng gamit." sabi ko saka na umakyat sa kwarto.

Umupo ako sa kama at binuksan na ang gym bag ko. Inayos ko na lahat ng damit ko at huli kong nilagay ang dalawang libro na galing kay Julie. Nilagay ko rin ang regalo ko sa kanya na dala ko pa mula Manila. Inayos ko na rin ang bag ng gitara at muling tinignan ang gitarang may nakaukit na pangalan niya.

"Sorry for everything, bru." sabi ko habang tinititigan ang gitara niya.

"Hey, lola's looking for you." sabi ni Will nang sumilip siya sa kwarto ko.

"Okay."

Pumunta na ko sa garden at naabutan ko siyang nakaupo sa may gazebo at umiinom ng tsaa.

"You called me?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin saka tumango.

"Yes. Come sit." alok niya.

Umupo ako sa tabi niya at hinintay siyang magsalita.

"What happened?" tanong niya.

"What happened to what?" pagtataka ko.

"Sayo. Kay Julie. Anong nangyari? You weren't yourself these past days. Simula nung Pasko."

"Ah. Wala lola." sagot ko.

"Ang sabi ni Raymond, nagpunta raw kayo sa Shangrila nung 25. And you and your cousins were always out of the house. Now tell me, anong ginawa niyo dun nung 25?" tanong niya.

"Uhm... Ano kasi lola. Si Julie..."

"Oh. Anong nangyari kay Julie?"

"Dun kasi ata siya nag check-in and when I asked kung andun pa siya, ang sabi nakapag check-out na siya. I was suppose to apologize to her. Pero hindi ko naman siya naabutan." sabi ko.

Hinawakan ni lola ang kamay ko saka pa pinisil iyon bago nagsalita.

"When I was your age, I also fell in love with my bestfriend. He was my childhood sweetheart. My puppy love. I really thought that he was the one for me. Our friends would tease us and we will always deny it. One day, umalis sila ng parents niya and migrated to New York and when he returned, ipinakilala niya sa akin ang girlfriend niya. Nung nagkausap kami, he confessed that while we were still in highschool, he was already in love with me pero dahil daw palagi ko namang tinatanggi na may something sa amin, kaya he decided to move on and nung time na nga na yun ay ikakasal na siya. I regretted the day when I could freely tell him that I love him. Kasi mahal din pala niya ako pero pilit kong tinatanggi dahil lang ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Until the day came that he finally moved on and he is engaged. Masakit but I had to endure the pain. Kasi ginusto ko namang wag umamin eh. Pinili ko yung friendship. Pero look at us now. It's as if we don't know each other anymore." kwento niya.

"Pero lola..." humarap siya sa akin saka ako nginitian.

"Kaya ikaw, maswerte ka because the girl you love feels the same way too. Kaya hindi mo na dapat hayaang mawala siya sayo. Maswerte ka kasi your bestfriend loves you too and that you both admitted it. Maswerte ka kasi she's also willing to take the risk kahit pa alam ng lahat na masisira ang friendship niyo if ever na maghiwalay kayo."

Tanghali nang ihatid kami ng driver ni lola sa airport. Bago pa man makaalis sa bahay ni lola ay ipinaalala nanaman niya sa akin ang pag-uusap namin kahapon.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon