6

4.7K 55 1
                                    

Chapter 6

KKKKKRRRRRRRNNNNNNNGGGGG!!!

"Tsk."

Ang aga-aga may tumatawag. It's Sunday! Can't a guy with hangover sleep in?!

KKKKKRRRRRRRNNNNNNNGGGGG!!!

"Argh!" kinapa ko ang phone ko sa kama at saka iyon sinagot without even looking who the caller was. "Hello?"

"Wake up moron." sabi sa kabilang linya.

"Bru, I have a hangover. Can I sleep in?" tanong ko. Gumulong ako sa kama at nagtalukbong ng unan. I want to sleep some more. Ang sakit sa mata ng sinag ng araw.

"Bru, it's orphan day today. Bangon ka na. Dito ka na magbreakfast. Manang made waffles." halata sa boses niya ang ngiti. Suminghap ako and sat up lazily. As if I have a choice. I have a very charitable bestfriend.

"Okay. I'll be there in 30." sabi ko.

"Okay. Wag ka na matulog uli ha. Ligo na!" utos niya. Ngumiti ako saka tumango.

"Opo. Sige na." sabi ko then she hang up.

Aantok-antok akong naglakad papunta sa bathroom and took a bath. Pagkatapos ay nag-ayos na ako at nagbihis saka na bumaba. Naabutan kong nag-aalmusal si PeeWee sa breakfast bar while mom's drinking her breakfast tea.

"Morning kuya." bati ni PeeWee.

"Morning, PeeWee." sabi ko naman then kissed her hair. "Hi, mom. Good morning." bati ko kay mom.

"Hey. Magbreakfast ka na. There's cereal in the pantry." aniya.

"Naah. Julie and I will be doing our sessions with the orphans today. And dun na niya ko pinagbbreakfast sa kanila." sabi ko. Ngumiti si mom saka tumango.

"Have a great day you guys." sabi niya sa akin bago ako lumabas ng bahay.

"You got the materials?" tanong niya nang makasakay na kami sa kotse and on our way to the orphanage.

"Yup. It's in the trunk. Nandun na ba sila Maq?"

"Nope. Di makakasama si Maq kasi may Sunday brunch siya with Gino's family. Si Peachy naman nasa restaurant nila and siya daw nagmamanage ngayon because her dad's in China. So tayong dalawa lang."

"Oh okay." tango ko.

Nakarating na kami finally sa orphanage at agad naman kaming sinalubong ng mga batang inaalagaan namin dun.

"Andyan na sila Kuya Elmo at Ate Julie!" sigaw nila saka nagtakbuhan palapit sa amin.

"Hi guys!" bati ni Julie. Agad namang lumapit sa kanya si Susie, isa sa mga pinakabatang andun at nagpakarga. "Hi, Susie! Namiss mo si ate? Hahaha."

"Opo." sagot naman ng bata.

"Kuya Elmo, gagawa na ba tayo ng bahay ngayon?" tanong naman sa akin ni Billy.

"Hm. Depende kung susundin niyo kami ni Ate Julie." nakangising sabi ko. Nagtinginan naman sila sa amin ni Julie at saka pa tumango.

"Sige po! Ano po bang gagawin?" tanong ni Marga.

"Syempre gusto muna namin na makita yung drawings na pinagawa namin last week. Diba di tayo natapos nun? Tapos sabi namin ichcheck namin ngayon. So patingin muna." ani Julie.

Nagtakbuhan naman sila sa loob ng orphanage at naglakad naman kami papunta sa art room nila. Naabutan namin sina Sister Mary Grace at Sister Mary John na hinahanda na ang mga gamit para sa session namin ngayon.

"Good morning po sisters." sabay na bati namin ni Julie.

"Good morning din." bati nila.

"Okay na ba lahat ng binilin niyo?" tanong ni Sr. Mary John.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon