Chapter 29
"Oo!" sigaw ko. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Ako rin naman nagulat eh. Kaya ko na nga bang isugal ang pagkakaibigan namin? "Ewan ko... Siguro..." mahinang sabi ko.
"Ano?" tanong niya.
"Hindi ko alam. B-basta ang alam ko lang ayoko na sa ganitong situation natin." sabi ko.
"Know what? Kung yan ang gusto mo fine. We can be friends again. Pero kung sasabihan mo ko ng mahal mo ko dahil lang ayaw mo sa ganitong set-up, then I think naguguluhan ka lang sa sarili mo. You don't love me ng kagaya sa nararamdaman ko sayo. Siguro akala mo mahal mo ko pero hindi. You just want a friend." sabi niya. "I'm sorry, Julie. But please give me the time para makalimutan ko muna yung nararamdaman ko para sayo bago ako makipagkaibigan ulit."
Tuluyan na siyang umalis and I was left on the beach. Napakacliché naman ng eksenang to. Para naman kaming nasa pelikula. So yun lang yun? Hindi niya man lang ba icconsider yung feelings ko? Humagulgol na lang ako ng iyak saka na lang bumalik sa malaking bahay.
"Julie, are you okay?" tanong sa akin ni Tita Priscilla nang makapasok ako sa bahay nila.
"Y-yeah okay lang po ako, tita." sagot ko.
"Are you crying, iha?" nag-aalalang tanong sa akin ng isang tita ni Elmo. Si Tita Claudine.
"Uhm... Napuwing lang po ako." palusot ko. "Uhm... P-pwede pong malaman kung saan yung kwarto ni Elmo?" tanong ko.
"I'll take you there." volunteer ni PeeWee. Hinawakan niya ang kamay ko saka na kami umakyat sa second floor. "Kuya's a jerk for making you cry ate. Ako na magsosorry for what he did."
"PeeWee, wala namang ginawa ang kuya mo saken. Napuwing lang talaga ako promise." sabi ko.
"I know you ate. Since baby ako ikaw na madalas kasama ko. Kaya I know if you're lying." sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na umimik.
"Here." sabi niya saka na pinihit ang doorknob sa kwarto ni Elmo.
"Thanks, PeeWee." sabi ko. Tumango na siya at sumenyas na bababa na muna siya. Tumango rin naman ako saka na pumasok sa kwarto.
Malaki ang kwartong yun. Siguro ay doble ng kwarto ni Elmo sa Manila. Lumapit ako sa kama saka umupo. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Iba ito sa itsura ng kwarto ni Elmo sa Manila. Dun kasi ay navy blue ang kulay ng walls niya at itim naman ang kama niya. Napakadilim dun. Feeling ko nga may kulto siya kaya ganun eh. Dito naman ay puro puti ang kulay ng walls at furniture maliban sa kama na king-sized at camouflage ang pattern ng bedsheets niya. May picture rin siya sa bedside table na sa tingin ko mga 6 years old siya. Kalbo kasi siya sa picture at kulang ng isang ngipin sa taas. Napangiti ako nang maalala kung paano siya nabungi. Sa isang picture frame naman ay ang picture nilang magpipinsan. Nakaupo sila sa beach chairs at may mga hawak na bote ng softdrinks at mga nakashades. I think this was taken when we went here last summer. At kung tama ang pagkakatanda ko, I was the one who took that photo.
"Hay. Hindi naman magulo Elmo eh. Mahal naman na talaga kita." sabi ko.
Kinuha ko na sa bag ko ang regalo ko sa kanya pati na rin ang sulat na ginawa ko. I just hope he'll read this. Pinatong ko iyon sa kama niya at saka na lumabas ng kwarto.
"Julie, kain na tayo." anyaya sa akin ni Bonna, isa sa mga pinsan ni Elmo.
"Uhm... Aalis na ko." sabi ko. Kumunot ang noo niya at saka tumingin sa akin. "Ano kasi eh. Kasama ko yung friend namin ni Moe. Naghihintay sa hotel.
"Are you sure? Kasi you can tell her naman to come here and dito na kayo magstay." sagot niya.
"Yeah. I'm sure. Tsaka uuwi na din naman kami mamayang umaga eh." nakangiting sabi ko. Nag-aalangang tumango si Bonna kaya nagpaalam na ako sa lahat.