50

3.2K 74 0
                                    

Chapter 50

"Cross your heart. Hope to be my wife." sabi ko.

Matagal siyang natahimik kaya naman kinabahan ako. Ano ba kasing pumasok sa kukote ko at sinabi ko yun? Pero kasi, the only future that I imagine is a future with Julie. Growing old together, having kids and grandkids and great grandkids.

"Eh. Niloloko mo naman ako eh." sabi niya. I woke up from trance saka pa kunyaring natawa sa kanya.

"Hindi kaya! Seryoso kasi tayo dito babe eh." sabi ko naman.

"Dear..." aniya. "Don't you think we're too young to get married?"

No. Age is just a number, Julie. If I fell in love with you when we were 5, I would marry you that instant.

"Moe? Are you still there?" sabi niya sa kabilang linya. Kinurot ko ang sarili ko bago nagsalita.

"Hahaha. Kaya nga hope pa lang baby. Umaasa pa lang ako. Atsaka diba nga plano natin magpapakasal tayo if we both have stable jobs already? Hindi kita mamadaliin no. I want you to be a famous architect and receive the Pritzker Prize and have your designed buildings in New York, Paris and London syempre. Kaya matatagalan pa talaga tayo bago ikasal." biro ko sa kanya.

Actually, I don't care if it'll take us forever before we get married Julie. As long as I know that in the end, you'll be the one walking down the aisle then I'm willing to wait.

"Haha. Babe, ang tagal naman ata masyado nun? I mean, Pritzker Prize? Frank Lloyd Wright was recognized when he was almost 90 years old. Zaha Hadid was I think 42 when she won the Pritzker Prize. Baka naman menopause na ko nun kapag hihintayin pa natin na marecognize tayo sa world of Architecture bago magpakasal diba?" sabi niya.

"Edi ngayon na nga lang tayo magpakasal. Para makarami!" biro ko.

"Eeeeh! Elmo naman eh!" aniya.

"Hahahaha. Joke lang. Ikaw talaga di na mabiro. Pero seryoso ako, when I said that I want you to be my wife." sabi ko.

"Alam ko. And I will definitely say yes. Kasi ikaw lang naman talaga yung mahal ko." sabi niya.

"At ikaw lang din naman yung mahal ko. Bakit pa ko maghahanap ng iba kung may Julie na ako diba? May Julie na ko na bestfriend ko, may Julie akong girlfriend ko, may Julie akong mapapangasawa ko, magiging mommy ng mga anak ko, magiging lola ng mga apo ko. Lahat nasa iyo na eh." sabi ko.

"Hmp! Mamaya niyan binobola mo lang ako. Ang dami kayang Julie sa mundo! Hahahaha." asar niya sa akin. Sumimangot naman ako. "Wag kang sisimangot. Abot dito sa London yang nguso mo."

"Ikaw kasi eh." sabi ko.

"Sus. Joke lang yun." sabi niya.

"Pero seryoso ako, dear. Kahit pa isang bilyon ang Julie sa mundo, ikaw lang ang Julie sa mundo ko."

Rinig ko ang pagngiti niya sa kabilang linya at napangiti na rin ako.

"Uy. Kinilig siya sa sinabi ko." asar ko sa kanya.

"Che! Ang keso mo kasi nakakainis. Hahaha." sabi niya. "Oo nga pala. Wala pa bang result yung exams?"

"Hm. I checked earlier and wala pa. Expected date would be next week daw." sagot ko.

"Ang tagal naman. I want to see your name already."

"Hahaha. Patience baby. Oo nga pala, magpapaalam ako sayo."

"Bakit? Anong meron?"

"The stooges are inviting me to drink tomorrow. Eh ayoko nga sana kasi baka tumawag ka or something. Pero pinipilit nila ako."

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon