Chapter 36
Maaga akong nagising at agad na nagprepare para sa pagpasok sa school. It's our first day back in school after Christmas Break at syempre balik kami sa dating gawi ni Julie na sabay papasok. Yun nga lang, this time, kami na.
"Good morning, manang!" bati ko kay Manang Yolly nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Oh! Ikaw pala yan Elmo. Kumain ka na dun at naliligo pa ata si Julie." sabi niya.
Pumasok na ako at naabutan kong nag-aalmusal sina Tita Judith at Tito Fernando sa hapag. Pagkakita nila sa akin ay agad silang ngumiti at binati ako.
"Ayan na pala si Elmo eh. Halika na iho. Kumain ka na." ani Tito Fernando.
"Oo nga Elmo. Join us for breakfast. Julie will be here any minute." sabi naman ni Tita Judith.
Pumwesto ako sa pwestong katabi ng upuan ni Julie saka na kumuha ng pagkain.
"Maaga ba ang klase niyo ngayon?" tanong ni Tito Fernando.
"Yes po, tito." sagot ko. "Kamusta na po pala kayo? Buti po matagal kayo dito."
"Okay naman. We're happy to be back. Masyadong toxic ang trabaho sa London. And we're happy to be here until you and Julie will graduate." sagot ni tito. Ngumiti naman ako at tumango.
"Good morning beautiful people!" nag-angat ako ng tingin at nakita sa bukana ng dining area si Julie.
"Hi, anak. Halika na at magbreakfast. Kanina ka pa hinihintay ni Elmo." sabi ni Tita Judith.
"Wow ha. Ang tindi talaga ng boyfriend ko. Nauna pang kumain bago ako." biro niya. "Good morning, ma." humalik siya kay tita saka lumapit at humalik din kay tito. Pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ko.
"Good morning sa kagwapuhan mo." kindat niya. Ngumiti naman ako sa kanya at nilagyan na siya ng pagkain sa plato.
"Good morning din sa kagandahan mo." bati ko. Namula ang pisngi niya at saka pa nag-iwas ng tingin sa akin.
"Julie, anak. Your dad and I will be volunteering sa orphanage. Would you like to join us?" tanong ni Tita Judith kay Julie.
"Which orphanage, ma?"
"The orphanage you've been visiting. Medical mission and also magpapakain tayo."
"Ah okay. Sige po sasama kami ni Elmo." sagot niya.
"Okay. We'll schedule the medical mission then sasabihan ka namin kung kailan." ani Tito Fernando. Tumango naman si Julie at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagdating namin sa school ay agad kaming sinalubong ni Axel.
"Dude, seryoso?" tanong niya nang makitang holding hands kami ni Julie. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. "Shit kailan pa?!" halata sa boses niya ang excitement.
"Xel, para kang babae na atat sa chismis." sabi ko.
"Dude, bestfriend mo ko. I have every right to know! Diba Julie?" aniya pa. Tumawa lang naman si Julie sa kanya. "Your girlfriend's laughing at me." sumbong niya.
"Don't care dude. You are a joke after all." sabi ko. Sinuntok niya ko sa balikat at saka pa tumingin ng masama.
"Nagkagirlfriend ka lang ganyan ka na saken. How could you?!" biro niya. "I thought you loved me? We used to have something special."
"Hahaha. Axel, that's gayshit." sabi ni Julie sa kanya.
"I'm gay, Julie." aniya. Nagtawanan silang dalawa at nag-apir pa.