16

4.2K 66 1
                                    

Chapter 16

Alam ko namang may tampo pa rin sa akin si Julie. Kaya nga willing akong makipagbati eh. Mali naman talaga yung ginawa ko kahapon. Naisip ko kasi kagabi na hindi tama yung iwan ko siya sa ere nung nasa orphanage. Tapos nag-away pa kami nung nakauwi siya.

"Elmo, gusto mo pa ba ng juice?" tanong sa akin ni manang.

"Sige po, manang. Thank you." nakangiting sambit ko.

Nakailang juice at sandwich na ko dito. Busog na nga ako eh. Pero ang tagal bumaba ni Julie. Anyare dun? Natabunan ng sabon?

"Tara na." wala sa mood na sabi niya.

"Ano ba yan. Nakasimangot ka nanaman ang aga-aga." sabi ko saka siya nilapitan. "Ngiti." utos ko.

Tinignan niya lang ako ng masama kaya natawa ako sa kanya. I placed my thumb and forefinger on either side of her lips and forced her to smile.

"Tsk. Ano ba." iritang sabi niya pero halatang nagpipigil lang siya ng tawa.

"Uy tatawa na yan. Di ako matitiis niyan. Hahaha." asar ko saka ko pa siya kiniliti sa tagiliran.

"Elmo naman eh! Ano ba!" sabi niya pero nakangiti na siya. "Stop it."

"Ayoko." sabi ko habang patuloy pa rin siyang kinikiliti. "Smile ka muna dali."

"Tsk. Ayoko!"

"Edi hindi ko titigilan pangingiliti sayo." tumatawang sambit ko. Lalo ko pa siyang kiniliti hanggang sa mapaupo na kaming dalawa sa sahig ng kitchen.

"What the hell!" aniya. "Stop it Elmo! Hahahahahahahaha!"

Tinigilan ko na siya saka na tumayo at nilahad ang kamay sa kanya. Pagtayo niya ay inayos ko pa ang nagulong buhok niya saka na ko nagsalita.

"Tatawa ka din pala pakipot ka pa. Gusto mo talaga yung nahihirapan eno?" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Whatever." irap niya saka na naunang lumabas ng bahay.

"Tamo yun ang moody."

Nasa klase na ako ngayon at hinihintay si Axel. Di ko naman makausap si Jack dahil tulog siya at si Kevin naman nasa kabilang room dahil dun ang klase niya.

"Bro." bati sa akin ni Axel nang makaupo siya sa tabi ko.

"Leche ka. Ang kupad mo talaga no?" sabi ko.

"Sorry naman. Nalate ako ng gising eh. Wala pa ba si sir?"

"Wala pa. Pasalamat ka mas makupad si sir sayo." sabi ko.

"Eh teka. Bakit ba ang init ng ulo mo? Namiss mo lang ako ganyan ka n-- Aray!" binatukan ko siya dahilan para mapangiwi siya.

"Kadiri ka ha. May problema ako."

"Dude sabi ko naman sayo, hindi tayo talo. Bestfriends lang tayo brad." agad ko nanaman siyang binatukan kaya napangiwi nanaman siya.

"Umayos ka baka gulpihin kita." sabi ko.

"Ts. Di naman mabiro to. Ano nanaman ba? Nag-away nanaman kayo ni Julie?"

"Ewan."

"Anong ewan?"

"Di ko alam kung nag-away kami. Usually naman diba pag nag-aaway kami yung mga asaran lang? Kaya lang parang yung away namin ngayon mukhang matatagalan to eh."

"Ano nanaman bang ginawa mo? Alam mo dude, umamin na kasi kayo. Kung mag-away kayo para kayong mag-asawa eh. Sigurado ka ba talagang magbestfriend lang kayo?"

"Ts. Oo nga."

"Oh. Eh bakit ganun? Anong dahilan ng away niyo?" pagtataka niya.

"Si Miguel."

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon