Chapter 13
"Ano?" nagulat ako sa sinabi ni Elmo. Gorgeous daw?! Baliw! Di nga ako tinatawag na babae nito tapos sasabihan akong gorgeous?! Nakadroga to no?!
"Ha? W-wala!" he stuttered.
"Siraulong to. Bru, ayos ka lang ba? Nakadroga ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Tsk. Baliw! Hindi no." sagot niya.
Dumating kami sa catering office at patuloy ko pa rin siyang inaasar.
"Bru, aminin mo, nabighani ka saken ng slight no? Hahahaha. Sabi na eh. Babae talaga tingin mo saken eh." sabi ko saka ko pa siya inakbayan.
"Tss. Si Julie ka no. Tigilan mo nga ako bru." sabi niya.
"Aysus! Hindi naman po gender ang Julie, bru. Hahaha. Ayiie. Nagandahan siya saken. So ano? Pwede na ko ligawan ng mga lalaki ganun ba?"
"Hoy! Tumigil ka nga Julie Anne! Anong ligaw-ligaw pinagsasabi mo ha? Gusto mo iligaw kita ha? Kikilatisin ko muna yang mga nagtatangkang yan bago kita payagan no." sabi niya.
"Hahaha. Joke lang! Gumana nanaman yang over-protective switch mo. Alam mo bru, distraction lang yang lovelife na yan eh. Masaya kaya kapag single. No worries, no stress, no hassle." sabi ko.
"Di ka ba nalulungkot?" tanong niya.
May pagkabipolar tong bestfriend ko eh. Kanina ayaw daw niya magpaligaw ako. Ngayon naman di daw ba ko nalulungkot dahil single ako. Yung totoo?!
"Nope. I have you and PeeWee, I have Maqui and Peachy, I have Kuya Fort and Ate Steffie and mama and papa. Bakit naman ako malulungkot?"
"Wala lang. Pano pag nagkagirlfriend na ko?"
"Edi nagkagirlfriend ka. Di mo naman siguro ako kakalimutan nun eh. Diba?"
Ngumiti siya sa akin saka ako inakbayan.
"Syempre hindi. Ikaw kaya ang bestfriend ko. Why would I ignore and forget the most trusted and most important person in my life diba?"
"Aysuuuus! Cheeseballs. May kailangan ka no?!" asar ko sa kanya.
"Hahaha. Wala no! Alam ko namang bigtime effort na yung ginawa mo for me eh. Maybe she's just too shy to talk kasi syempre kakakilala pa lang namin."
"Tama. Kaya effort ka na lang para gumaan loob niya sayo. Ayos ba?"
"Yeah. Thanks bru." sabi ko.
Pagkatapos sa catering ay nagpaalam na kami kanila Kuya Fort at Ate Steffie.
"I have to go to Peachy's. May pag-uusapan lang kami." sabi ko kay Elmo.
"Sige. Hatid na kita." aniya.
Pagdating namin sa bahay nila Peachy ay agad akong bumaba sa kotse saka na nagdoorbell.
"Call me when you need to go home okay? Susunduin kita."
"Okay. Bye bru. Ingat." sabi ko saka na kami naghandshake and I kissed his cheek again.
"What the?!" gulat na sabi nina Maqui and Peachy.
"Hey girls." bati ni Elmo sa kanila.
"Julie Anne halika nga sa loob!" ani Maqui saka pa niya ko hinatak papasok.
Halatang nagulat si Elmo pero wala naman na siyang nagawa kaya sumakay na lang uli siya sa kotse niya at umalis.
"Ano yun?" tanong ni Maqui.
"Ang alin?" pagtataka ko.
"Bakit nagkiss kayo?!" si Peachy ang nagtanong.
"Nagkiss?! Sino?"