Chapter 5

38 6 0
                                    

AMIRA'S POV

Pinapakain ko ngayon ang parrot ko sa labas ng bintana. Hindi na ko lumabas ng bahay kasi wala si bestfriend. Sinamahan si nanay niya na kakaday off lang pala. Ayaw ko sirain ang mother and daughter bonding nila kaya hintayin ko na lang ang pool party namin bukas.

"Cruu cruuu cruu ay teka yun ba tunog mo? HAHAAAHAHA say amir" natawa lang ako sa naisip, crucru ba?

"Amir amir amir" pumalakpak ako at dinagdagan ang lalagyan ng pagkain niya. Kinuha ko ang baso ng tubig at binuhos sa maliit na pot kung saan tinanim ang lovely rose ko. Hindi ko alam bakit hate na hate nila ang bulaklak.

Nakakaaliwalas kaya tignan kapag napapalibutan ang buong bahay--bawal din pala kasi allergic si papá sa pollen.

"Med~ med~" kanta ko habang kinukuha ang injection para sa daily medicine ko, maintenance ko ito para palaging malusog at malayang makatakas "Malayang makatakas? Sensible ba yun? Hahahaha"

"Hey weirdo" tinapos ko muna ang injection bago humarap kay nathalie na nakasandal lang sa pinto "Hindi ko sana gagawin to kaya lang si papá na nag-utos, bumaba ka na daw!"

"Okay sige nat" ngumiti ako sa kanya pero inikutan lang niya ako ng mga mata at umalis.

Mabilis kong sinuot ang shorts since naka-dress na pantulog lang ako. Ito lang kasi parati ko sinusuot kapag nasa bahay lang. Gusto ko lang ng komportable ako at kapag ganito alam na nila hindi ako tatakas hahaha.

"It's good to hear ethan! Keep up the good work!" rinig kong sabi ni papá. Nasa sala pa sila.

"Papá! Papá!" tawag ko habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Amira! Come! Join us in our lunch!" yaya ni papá nang makalapit na ako sa kanya.

"Yes papá" masayang sabi ko. Sabay na kaming pumunta sa dining. Ang formal talaga minsan kapag nandyan si papa. Katulad ngayon! Umupo lang tumahimik saglit.

Napatingin na ako kay mr.linc na nakatayo sa bandang likod ko kung saan sa likod ni ate zaira. Dito pa rin kasi ako nakaupo sa tabi ni papá tapos si kuya na katabi ko tapos kasunod niya si ate zai, sa kabila sina tita elisa at nathalie lang.

"Kuya! Don't forget about my gift" paalala ni nathalie.

"Of course nat" tumahimik na ulit kaya tumingin ako kay papá.

"Papá how's your day?"

"Good my princess because we are all here today" ngiting pabalik ni papá sa akin.

"And your casino?"

"Same answer last night" bumalik ulit siya sa pagkain. Sa totoo lang bumebwelo lang ako para magpaalam para bukas. Hindi ko nga kasi inakala na uuwi agad sila dito--!!

"Papá--"

"Stop talking amira, everyone is eating" sita sa akin ni tita. Hindi ko siya pinansin at tumingin lang kay papá na lumingon sa akin.

"Just let her talk" ngumiti ako at nagpatuloy.

"Papá is it okay if I will bring my friends here tomorrow?"

"Hmm" tumango siya pero napatingin kami kay nathalie na nagdabog ng konti.

"Ahh papá you never let me do that here!"

"Then you can do it soon after you'll finish your studies"

"What? Aghh" tumahimik na lang siya at kumain ulit. Bata pa naman kasi siya! Bahala siya. Basta pumayag na si papá!

Napatingin ako sa inihaw na bangos at kukurot na sana ng konti para tikman nang may tumapik ng malakas sa kamay ko.

"Use your spoon and fork amira! Go wash your hands!" sita ni tita elisa sa akin.

Someone's special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon