AMIRA'S POV
"Where's your sister?" tanong ni papá nang makita ko siyang kakababa lang ng hagdan.
"In her room papá"
"Ahh" dumiretso lang siya ng lakad papunta sa sala. I think he's not in his mood mukhang salubong ang kilay ni papá.
"I'll call her" umakyat agad ako para puntahan si--kanina lang tinawag ni ate si mr.linc kaya nga ako naghihintay dito sa baba! Kinabahan tuloy ako!!
Tahimik akong naglakad sa hallway habang pinapakiramdaman ang paligid. Shaks! H-hindi naman sana! Inisip ko lang nasasaktan na ako!!
*toktok* pikit mata kong binuksan ang pinto at humawak ng mahigpit sa doorknob.
"What?"
"Papá is l-looking for you, better see him now"
"Miss amira?" napapikit pa ako lalo nang marinig ang boses niya!!
"What's with you stupid?!" napadilat ako nang may bumangga sa balikat ko. Sinundan ko ng tingin si ate na naglalakad palayo.
Tinignan ko din si mr.linc na nakapamulsang nakaharap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang umiiling na nangingiti habang nakayuko. Umiwas ako sa kanya at mabilis na naglakad palayo.
"Miss amira"
"B-bakit?" nahihiyang tanong ko nang pumantay siya ng lakad sa akin.
"Are you alright?" tumango ako. Tama nga ata si papá baka na home sick lang talaga at dito lang ako tuluyang gagaling. Si mr.linc pa nagbantay sa akin buong magdamag! "You owe me a story"
"Ahm? About the--" humarap ako sa kanya dahil may naalala ako.
"What is it?" humakbang pa siya ng konti kaya tumingala na ako. Pinapakiramdaman ko ulit ang paligid dahil baka may ibang tao.
"About the" tumingkad ako tsaka nilapit ang mukha sa may tenga niya para bumulong "About the vault"
"V-vault?" umayos na ako ng tayo at tumango sa kanya. He look so shocked.
"You got it, right?" umiwas siya ng tingin at tumikhim habang nilalagay ang mga kamay sa bulsa.
"Yes, why?"
"Can I have it? Papá is looking for it. You did a great job but I think it's time to give it back since he knew already" ilang minutong siyang tumahimik kaya hinawakan ko ang kamay niya para alalahanin kung saan niya nilagay. Mukha kasing nagiisip siya "Mr.linc, can I have it?"
"It's-it's in my room" ngumiti ako. Naglakad ulit kami at tinungo agad ang kwarto niya. Nauuna pa ako dahil ang bagal niyang maglakad.
Sinara ko na ang pinto at nakangiting nilibot ang tingin. It must be somewhere safer. I knew him, he can do better jobs. Pumunta siya sa mesa kaya lumapit ako sa tabi niya at tinignan ang mga gamit.
"Where is it mr.linc? I'll help you find it"
"Here" kinuha niya sa gilid ang malaking envelop na halatang marami ang laman.
"Mr.linc you really got it amazing!" humarap ako sa kanya at kukunin na sana nang itaas niya ang kamay para ilayo yun sa akin "Mr.linc"
"I won't give this" seryosong sabi niya kaya nawala ang emosyon sa mukha ko. Napatingin ulit ako sa envelop na tinago sa likod niya.
"W-why?" why am I stammering? His looks gave me goosebumps!!
Umatras ako ng konti dahil dahan dahan siyang yumuko at tinapat ang mukha sa akin. Pilit akong ngumiti pero patuloy niya pa rin akong binibigyan ng blangkong tingin. W-why is he like that?
BINABASA MO ANG
Someone's special (COMPLETED)
General Fiction'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?