AMIRA'S POV
Nandito kaming dalawa ni bea sa bathroom ng kwarto ko habang naga-ayos. Naliligo na sa pool ang mga inimbitahan namin.
Hindi sana ako maliligo kaso hindi pala sumama si mr.linc kina ate na umalis. Buong akala ko kami lang ang nandito. Lahat sila umalis at may pinuntahang importanteng bagay.
"Wooow bestfriend!!!"
"Wala yun" nakangiting sabi ko nang umikot siya sa akin. Naka-two piece lang ako habang siya one piece.
"Gandaa~" hindi ko na siya pinansin at sinuklay lang ang buhok. Papansinin na ako ni Mr.linc nito sa ganda ko.
"Tara na" lumabas na kami at tinungo agad ang pool area. Napangiti ako nang makita si Mr.linc na nakatayo paharap sa pool.
"Uy yan na ba yun?" tumango lang ako sa tanong ni bea at inayos ulit ang buhok ko.
Hindi niya nakita si Mr.linc dahil sa bintana siya dumaan kanina. Ang aga kasi dumating kaya naabutan pa niya sina ate hahaha umiiwas sa fliptop.
"Tignan mo anong reaction niya ha kapag dumaan tayo sa tabi, siguraduhin mo na titingin siya sa akin" sinadya naming dumaan mas malapit sa kanya para makita niya talaga ako. Yiiieee ano kaya reaction niya?? Gusto ko lumingon!! Gusto ko lumingon--napatigil ako nang tumigil si bea at parang nawala sa sarili.
"Bea?" lumingon din ako kay Mr.linc na nakatingin pala sa amin--wag niyang sabihin gusto na rin niya??
"What took you so long?" tanong ng mga kaibigan namin, babae lang ang inaallowed ni papá.
"Nag-ayos lang kami" hinila ko si bea at pinaupo sa bench tsaka inabutan ng makakain "Uy ayos ka lang? Baka nagkagusto ka na din kay Mr.linc pagkatapos mong lumingon"
"Huh? Hindi ah" sabi niya at parang natauhan na. Tumayo siya kaya lumingon ako saglit kay Mr.linc na nakatingin pa rin pala dito!
"Let's go amira!" yaya nila kaya hinila ako nung isa papunta sa pool.
BEA'S POV
Sa dinamidami ng tao bakit si kuya pa?!! Bakit nandito siya?!!! Kinuha ko ang pagkakataon na to habang nasa pool pa ang atensyon nilang lahat.
"Kuya bakit ka nandito?" mahinang tanong ko nang mahila na siya sa hallway ng kwarto nina bestfriend.
"I'm should the one asking you that! What are you doing here?! Saan si mama???" napadabog ako dahil tanong din ang sinagot niyaaaahh!
"Kanina ka pa nakatayo dun! Umalis ka na kuya!"
"Inutusan nila ako. Huwag ka nga tumakas sa tanong ko! Anong ginagawa niyo dito?!" huminga ako ng malalim.
"Mukhang wala ngang may alam na nagtatrabaho ka pala dito. Sa ate pa ni amira!" nagulat ako nang hilahin niya ako palayo.
"Leave this place, isama mo si mama, umalis kayo humanap kayo ng ibang trabaho" tinabig ko ang kamay niya dahil malapit na kami sa hagdan.
"Kuya hindi! Matagal na kami dito kaya baka ikaw na lang ang umalis, sobrang tagal na namin dito!"
"Ako ang bubuhay sa inyo kaya huwag niyo na isipin yung pera, umalis na kayo dito. Ako na ang bahala sa kanila"
"Ano ba kuya! Mas lalo hindi na ako papayag kasi nandito ka tsaka sasabihan ko si mama tungkol dito para masabihan ka din"
"Then leave that girl wag na wag kang magpakita sa kanya!" hinila niya ulit ako kaya tumakbo ako palayo.
"Kuya naman! Magkasama na kami simula pagkabata. Hindi ako papayag at dito ako matutulog ngayon! Sasamahan ko si mama tsaka huwag na huwag mong sabihin kay amira na magkapatid tayo, may gusto sayo yung tao"
BINABASA MO ANG
Someone's special (COMPLETED)
General Fiction'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?