Chapter 11

25 7 0
                                    

AMIRA'S POV

Tahimik lang akong nakaupo dito sa higaan habang inaaliw ang sarili sa pag-pagpag sa kumot ko. Pagkagising ko pa lang ay mukha na nilang lima ang bumungad sa akin at never na umalis sa harap ko.

Nakatayo lang sila habang diretso ang tingin pero gumagalaw yan sila sa tuwing magbabalak akong tumayo.

Sina yaya sa labas na lang sumisilip para tignan kung may kailangan ako. Pinapayagan naman nilang makalapit sa akin pero gustong gusto ko na talagang magmura dahil pati sa pagligo hindi nila ako hinahayaan!! Akala nila tatakas ako. I want to cry~ ang lagnat ko pa rin kaseee.

"Huy weirdo" napatingin ako sa pinto nang tawagin ako ni nathalie. Sumandal siya sa pinto kaya humakbang ng konti yung lima "Gusto mo na bang gumalaw dyan? HAHAHA"

"Bakit?" matamlay na tanong ko. Ngumisi siya kaya napakamot na lang ako sa braso.

"I need her. Nagpaalam na ako kay mommy" sabi niya doon sa mga lalake tsaka naglakad paalis.

Nakatingin lang ako sa mga lalake habang dahan dahang umaalis. Nagulat pa ako nang sumunod sila sa akin. Bumaba na ako at nakita si nathalie sa harap ng kusina.

"Gusto mo makalabas diba? Ako mismo magsasabi kay mommy na papuntahin ka kay papá kapag susundin mo ako" sa tawa pa lang niya hindi ko na gusto. Sumunod lang ako nang pumasok na siya sa kusina.

"Nathalie what are we doing here?" tanong ko at nakita pa si mr.linc na umiinom ng kape habang nakasandal sa kitchen counter.

"Hey get the box in my room now" utos niya kaya tinabi muna ni mr.linc ang mug at lumabas. Lumapit si nat doon at tinuro ang mga plato sa lababo "Wash these"

"I'm sick nath--"

"Just do whatever I want!" sigaw niya kaya bumuntong hininga na lang ako at lumapit "Haha this is exciting!!!~"

BEA'S POV

Nandito ako ngayon sa labas ng mansyon nina bestfriend pero parang ang tahimik. Kanina pa ako nagdodoorbell dito, wala namang lumalabas.

Nagtatampo na ako kay bestfriend ah!! Hindi na nga niya ako tinatawagan. Hindi pa nagpapakita sa akin! Huwag niyang sabihin na lumabas siya ngayon nang hindi niya sinasabi sa akin?!!

"Kuya" bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"Why did you call?"

"Kuya kasama niyo ba si amira? Saan kayo ngayon? Nandito ako sa labas ng bahay nila kanina pa ako nagdodoorbell kaso walang lumalabas" si mama sana tatanungin ko kaso baka magalit dahil napapadalas ako dito.

"We're out of town" napanganga ako sa sinabi ni kuya. First time niyang hindi nagpaalam ahh!!! Nagtatampo na talaga ako!!!

"Saang lugar kuya?!"

"Rome" what?!! Sa favorite place ko pa tapos hindi niya sinabi sa akin???? Napanguso na lang ako dahil talagang nagtatampo na ako!! Alam niya favorite place ko yun kaya ba hindi niya sinabi??? Nangako siya na sabay kami doon!!

"Kuya pakisabi sa kanya hindi na kami bestfriend!!" pinatay ko yun at mabilis na naglakad palayo.

Hindi ko nga sinabi sa kanya na kapatid ko si kuya para hindi niya ibibreak ang rule namin tapos siya naman yung walang sinabi sa akin.

LINC'S POV

Binaba na niya ang tawag kaya napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Anong ginagawa nun sa labas?! Pinagsabihan ko na pero ayaw talagang makinig!

Someone's special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon