AMIRA'S POV
Naglilinis ako ngayon sa sala dahil wala akong magawa.
"Ang tagal naman mag ala-una!" sabi ko habang pinapagpag ang mga unan sa sofa. Paniguradong ala-una pa yun darating kaya mamaya na ako gagalaw.
"Ano po miss? May pupuntahan po kayo ngayon? Ipapaalam lang po namin to kay madam elisa"
"HA?! Ano?!" mabilis akong lumapit kay yaya habang umiiling "Ano kasi hinihintay ko mag 1 para makapag lunch na ako"
"Pero miss amira alas dose po ang lunch time niyo. Nagugutom na po ba kayo? Gusto niyo po paghandaan namin kayo?" umiling ulit ako at pilit na tumawa.
"Hindi wag na talaga!" hindi naman nila ako pinakinggan at nagmamadali lang na pumunta sa kusina.
*Sigh* maglilinis na nga lang ako. Wala talaga akong magawa! Wala naman kasi akong trabaho kaya wala talaga akong magawa dito. Ayoko naman sa kompanya.
Wala pa rin akong gustong gawin sa buhay ko! Aaminin kong nakaasa lang ako sa kanila kaya sakit lang sa ulo ang binibigay ko
*Sigh* at least may contribution din.
"Wooow ang laki dito" napatingin ako sa babaeng may dalang malaking bag. Nakasuot ng mataas na palda at mukhang galing pa sa probinsya.
"Ang trabaho mo dito ay linisin ang mga nakakalat sa paligid, pagsilbihan ang mga amo at sundin sila. Wala kang tiyak na amo sa mga smith kaya kung sino man sa kanila ang magutos sayo gawin at sundin mo" sabi ni nanay habang nakatayo sa harap ko. Tinitignan ko lang sila dahil wala akong magawa. Bored life nga ako diba!?
"Ahh so kayo po diba yung head ng mga katulong dito? Susunod din po ba ako sayo?" palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.
Papá didn't picked a wrong head here. Mabait at maasikaso si nanay. Nagrequest pa nga ako noon na sa akin na lang siya kaso kay tita elisa na daw para alam niyo na age to age hehe.
"Hindi naman sa ganoon, bawat katulong dito may kanya kanyang gawain kaya wala tayong karapatan na magutos ng kapwa natin. Ang gawin lang natin ay sundin ang utos ng mga smith"
"Ahhh pwede po ako maglibot libot mamaya?"
"Siguraduhin mo lang hija na may kasama kang nagtatrabaho na dito dahil sagrado ang bawat lugar lalo na sa taas"
"Opo opo" lumingon yung babae sa akin kaya medyo nagulat pa ako nang lumapit siya at tinabi ang unan na hawak ko "Siya po? Pwede ko isama? Mukhang tapos naman po siya sa paglilinis---"
"Siya nga pala ang isa sa mga smith. Tawagin mo siyang miss amira. May dalawa pa siyang nakakatandang kapatid. Sina sir ethan at miss zaira. Si miss zaira ay bihira lang na tumira dito dahil sa palaging busy sa trabaho at minsan lang umuuwi ng pilipinas. Si sir ethan naman ay bihira lang din umuwi kahit nandito siya sa pilipinas dahil may tinutuluyan na siya. Huwag kang magalala ipapakita ko ang mga litrato nilang lahat para hindi ulit mangyari ang ganito" nagulat yung babae at agad na yumuko sa akin.
"Ay ma'am ay este miss amira pala. Pasensya na po bago lang ako kaya hindi ko kayo nakilala agad, naglilinis po kasi kayo kaya akala ko katulong rin" tinignan ko muna si nanay na nakatingin lang sa amin.
"Ayos lang" sabi ko at sinundan lang sila ng tingin nang hilahin na siya ni nanay palayo.
"Mahigpit kong pinagbabawal dito na maglinis ang mga may-ari!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni tita elisa habang bumababa sa hagdan.
"Tita wala po kasi akong magawa" hindi na siya nagsalita at pumunta lang sa may pinto. Maya maya pa may kasama na siyang dalawang babae papasok kaya tumabi ako.
BINABASA MO ANG
Someone's special (COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?