BEA'S POV
"Salamat manong" sabi ko at binigay na sa kanya ang pamasahe.
Pauwi na ako ngayon sa bahay para kunin ang ibang gamit ko dahil kina tito alejandro muna ako hanggat hindi pa nahahanap si bestfriend.
Pati ako humahanap din ng paraan para makakita ng makakatulong sa amin sa paghahanap sa kanya. Nakikipagtulungan na nga ako sa mga dating kakilala ko na gumagawa ng ganitong klaseng sideline. Kilala ko sila kasi kakilala siya nina kuya noon bago siya lumipad papuntang italy. Walang ginagawa si kuya kaya sa mga kakilala niya ako magpapahanap!
"Ate!" dumiretso ako sa malaking tindahan nang tawagin ako ng nakakabatang kapatid ko na lalake.
"Santi?! Bakit ka nandyan?" ngumiti muna ako kay aleng kendy na kadalasang nagbabantay sa kanya sa tuwing wala kami. 8 years old na siya habang yung pinakabunso namin ay 6 years old na. Patay na yung tatay namin kaya nagasawa ulit si mama pero namatay din dahil sa sakit.
"Nasa bahay sina kuya at yung mga kaibigan niya kaya dito muna nila kami pinatulog nina grace" kumunot ang noo ko sa sagot niya. Sumilip pa ako ng konti sa loob nang makita si grace na nanunuod ng tv.
"Hay naku yang kuya niyo talaga beatrice" naiiling na sabi ni aleng kendy. Umalis na siya kaya hinawakan ko sa kamay si santi para makatalon ng maayos mula sa bintana, hindi na muna ako makakabuhat sa kaniya kase nga juntisado ako!
"Ate halos buong gabi hindi nakatulog ng maayos ang buong barangay dahil sa ingay mula sa loob ng bahay" naglakad na kami papuntang bahay para harapin si kuya. Mamaya na yang si grace dahil panigurado kapag makita ako matatagalan na naman akong umalis mamaya.
"Tsk tsk tsk yaaang si kuya talaga!! Haays wag niyang sabihin nagparty sila sa bahay kagabi? Bakit naman kase sila nagingay?! Nakakahiya kaya sa kapit bahay! Dikit dikit pa naman ang mga bahay dito kaya panigurado dinig na dinig ang ingay nila" nafifeel ko nga minsan di kami magkapatid ni kuya dahil mayaman siya umarte habang ako tong parang katulong!
"Kuya?" dahan dahan kaming umaakyat sa hagdan dahil iyak agad ang narinig namin. S-sino yun??
Sumilip ako ng konti pero wala akong ibang nakita. M-multo?! Totoo nga yung sinabi ni amira na multo!! Tatalikod na sana ako nang pigilan ako ni santi.
"Ate baka yan yung sinasabi nilang asawa ni kuya?"
"Ano? Asawa? pero kahit girlfriend wala si kuya" hinarap ko si santi sa akin at yumuko ng konti.
"Kase sabi ni aleng petra yung chismosa nating kapitbahay na dinala daw ni kuya ang babae niya dito at nagaway daw sila kaya kagabi sigaw ng babae ang naririnig namin" iniwan ko muna si santi at mabilis na umakyat sa itaas.
Bumilis agad ang tibok ng puso ko habang hinahanap ang pinanggalingan ng iyak na yun. P-posible kaya??? Napatigil ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko nang makitang may kadena yun.
*blag* agad kong tinanggal yun at malakas na binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si b-bestfriend na nakahiga sa sahig habang balot na balot ng tape at nakatali ang mga kamay at paa habang may blindfold pa, m-may benda din yung n-noo niya.
S-si kuya--yung sugat niya sa labi niya--ang mga k-kakaibang galaw ni kuya kahapon--kaya wala siyang ginawa at pakialam sa binalita namin--ang pagiwas sa akin ni kuya--si kuya!!
"B----" pwersahan akong hinila palabas ng bahay habang nakatakip ang bibig ko.
"Ate!" sumunod din sa amin si santi habang nakahawak sa damit ni kuya.
Nakalabas na kami kaya mabilis akong kumalas at awtomatikong tumaas ang kamay ko.
*PAAAK* nagulat ang ibang taong dumadaan pero binalewala ko lang yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/180227949-288-k821789.jpg)
BINABASA MO ANG
Someone's special (COMPLETED)
General Fiction'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?