Chapter 43

17 6 0
                                    

AMIRA'S POV

Nakaupo lang ako dito habang hinahayaan si mr.linc na iligpit ang mga gamit ko. I still can't believe what happened to my face. This will remind me of sadness and pain, she gave me a remembrance. Should I forgive her? 

"Are you really okay mr.linc? You can go home and rest. Nandyan naman sina yaya kaya pwede mo naman akong hindi bantayan?"

"You don't want me to be with you?" narealize kong tama siya--that I am too dangerous. Pati siya nasugatan, nasaktan dahil sa akin.

"Hindi naman sa ganun" hinawakan ko ang pisngi at tulala lang sa kawalan.

Sa bagong bahay namin kami uuwi. Wonder what it look like. May fountain pa rin ba? Malalaking pader? Tree house? Tumingin ulit ako kay mr.linc na busy sa paglalagay ng damit sa loob ng bag. Tumingin siya sa akin kaya umiwas ako.

"Do you need something?"

"No" sagot ko at tumingin na lang sa labas ng bintana habang nilalaro ang rose na kanina ko pa hawak. Pagkagising ko hawak ko na to kaya baka kay mr.linc to galing, ayaw niya lang sabihin.

"Let's go?"

"Where's ate zaira mr.linc?"

"She's at home"

"Why she did this?" tumigil siya sa ginagawa at humarap sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil nahihiya ako. Hinintay ko ang sasabihin niya pero tahimik lang siyang nakatingin sa akin "Will they still recognize me with this?"

"Of course, they will" hindi ko alam kung kailan gagaling to dahil kahit kakagamot lang ni mr.linc mahapdi pa rin.

"I wonder will ace still recognize me?" mahinang tanong ko at huminga ng malalim. Paano kaya kapag makita niya ako? Baka magpasalamat pa siya na hiniwalayan niya ako dahil sa itsura ko. I'm not sad or what--I just wonder.

"Are you thinking about him?" tumingin ako sa kanya at tumawa ng konti.

"Kanina lang" biro ko pero napaisip talaga ako. I should stay positive and forgive ate zaira!! I should!!

Ilang minuto lang kaming nagtitigan kaya nawala na ang tawa ko. I was just trying to cheer the mood.

Inangat ko ang kamay para hawakan ang sugat niya. Medyo sa dibdib nga niya yun tumama! Buti hindi talaga sa puso! Pero yung sa kanya ang bilis naging peklat. Sa akin parang lumobo nga ng konti ang kaliwang pisngi ko dahil sa benda. 

"Do you think someone will see me with my scar?" pinaikot ko ang hintuturo sa maliit niyang peklat na pabilog kaya napatingin din siya doon.

"There is" nakatitig lang ako sa balikat niya dahil namamangha ako. Ang bilis lang gumaling sa kanya!

"I'm ashamed that my scar will just make me more uglier. I'm jealous that you only had small scar that we can't see here"

"It's still a scar" hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya kaya nagsalubong ang tingin namin "How big or small. It's still a scar that people can see, what they can't see is inside but still feel it when you show them more than your scar"

"Mr.linc?"

"And if you feel ashamed, don't be because I will still look at you" nilapit niya ang mukha sa akin habang nakatitig sa labi ko. Sinandal pa niya ang isang kamay sa gilid ko.

Hindi ako gumalaw kahit ang lapit na ng mukha niya sa akin. Tumigil ako sa paggalaw ng daliri sa peklat niya at pinakiramdaman siyang nakatitig sa labi ko na parang nagdadalawang is--

"L-linc" nanatili lang akong dilat nang dumikit na ang labi niya sa akin. I-is this really h-happening?!! H-hindi ko naramdaman to nung hinalikan ko siya sa b-bear house. My heart. My gad. Ilang beses akong napalunok habang tinitigan siya.

Someone's special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon