AMIRA'S POV
"Papá are you okay?" tanong ko nang huminto na talaga siya. Lumapit na sa kanya si tita elisa kaya tumayo din kami at nilapitan si papá.
"Alejandro?" tawag ni tita.
"Papá!!!" una akong napasigaw nang dahan dahan niyang binitawan ang ballpen kasabay ng pagbagsak ng katawan niya.
"Sir!/Papá!!!" nataranta ang lahat kaya nanatili akong nakatayo habang umiiyak na tumingin kay papá.
"P-papá"
"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni nat. Lumapit na yung iba para buhatin si papá kaya sumunod na lang kami.
"P-papá!!" nagtaka ako nang harangan ako ni tita bago pa ako makalabas ng bahay.
"Stay here!"
"B-but t-tit--" maglalakad pa sana ako nang itulak na niya ako kaya napatingin ako kay mr.linc na nabangga ko. Lahat kami napatigil at tumingin kay tita.
"I SAID STAY HERE!! HINDI KA PWEDENG LUMABAS NG BAHAY!!!" nakapasok na sila sa kotse. Wala na akong nagawa kundi tignan silang paalis ng bahay.
"P-papá" huminga ako ng malalim at hindi alam kung saan ibaling ang tingin dahil hindi ko na matanaw ang sinasakyan nila.
"Bestfriend tumahan ka na" yumakap ako kay bea at doon umiyak sa balikat niya. Hinagod naman niya ang likod ko kaya mas lumala pa.
"PAPÁ!!!"
"Shh ma patahanin niyo po siya!" natarantang sigaw ni bea. Hinagod din ni nanay ang likod ko.
"Shh aayos ang kalagayan ng tatay mo" ilang minuto lang kaming ganun kaya inalalayan na ako ni bea na maglakad.
"MA!! Uminit po siya!" huminto kami sa paglalakad para matignan nila ang mukha ko "MAAA! Ang putla niyaaa!!"
"Dalhin natin siya sa kwarto niya!" naramdaman kong may bumuhat sa akin. Tinignan ko lang siya.
"Emilda! Ihanda niyo ang gamot niya!" rinig kong sigaw ni nanay.
Nakarating na kami sa kwarto kaya inihiga agad ako ni mr.linc. Tumakbo naman sa kung saan sina bea at nanay tsaka ako kinukumutan ng makapal na bedsheet.
"Bestfriend m-malamig pa?!" napapikit lang ako habang nililibot ang tingin "Isa pa maaa!!"
LINC'S POV
"What happened there?"
"She got high fever" napatingin ako sa direksyon niya na mahimbing na natutulog. Muntik ko na siyang mabitawan kanina dahil sa biglaang paginit niya. How could that be possible?
"Okay, inform them not to tell others especially papá sabihin mong huwag ng ipaabot pa dito ang balita dahil baka magalala lang siya dito"
"Pupuntahan ko kayo dyan z"
"No, just stay there, Mukhang karamihan sa bodyguards nandito kaya at least may maiwang isa dyan" tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita.
"Okay"
"And remember this, tatakas at tatakas yang si amira kaya huwag na huwag mo siyang paalisin hanggat hindi pa maayos si papá. This is your new task. Bye" pinatay na niya ang tawag kaya humarap sa direksyon niya. Nakatayo lang ako dito sa labas ng kwarto habang hinihintay ang papalit sa akin.
BINABASA MO ANG
Someone's special (COMPLETED)
Ficción General'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?