Chapter 29

17 5 0
                                    

LINC'S POV

"Linc! Bibilangin na lang namin ang araw mo dyan!"

"Jayson how can I do my job well if you keep on pressuring me!!" nilagay ko muna ang cellphone at pumunta sa cabinet.

"Tapusin mo na ngayon! Tapusin mo na!!"

"I'll do it next day jay" sabi ko habang nagpapalit ng damit.

"Ngayon na linc! Huwag mo ng palusutin to!! Ayusin mo lang ang pagkakagawa at kami na bahala sa susunod! Handa na kaming lahat at ikaw nal ang ang hinihintay! Are you doing 'sideline'?!!" napatiim bagang ako at tumingin sa kamao kong may hawak ng maliit na kutsilyo.

"I'll do it" pinatay ko na ang tawag at dumiretso sa cr para maligo. Kailangan ko ng pampagising dahil mababaliw na ako.

AMIRA'S POV

Hating gabi na pero nagsusuklay pa rin ako sa buhok. Ang hirap talaga kapag may insomnia. Yung gusto mo na matulog pero hindi mo magawa!!! Inayos ko muna ang damit ko at tumayo na tsaka naglakad palabas ng kwarto.

"What are you planning next?" kumunot ang noo ko nang may marinig na boses sa opisina ni papá. Lumapit ako doon at napatingin sa pinto dahil bukas ng kaunti. Katabi lang ito ng kwarto ko kaya maririnig ko pa din ang boses nila dahil sobrang tahimik ng paligid.

"Isusunod ko yang special na yan" dinikit ko pa ng tenga ko at sinigurado ang narinig. K-kung hindi ako nagkakamali sina tita at a-ate zai.

"Sigurado ka ba dyan? Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?"

"HAHAHA you must be kidding me!"

"Paano na si attorney?"

"Ano pang paguusapan natin? Patay na siya diba? Alam ko namang kukuha pa yan si papá"

*gasp* mabilis kong tinakpan ang bibig ko tsaka tahimik na tinungo ang kwarto ni mr.linc. Umupo ako sa tapat ng pinto at niyakap ang mga tuhod ko. W-wala akong kakampi sa bahay na to. Masama sila!!

"Ahh!" napahiga ako sa sahig nang bumukas ang pinto. Sinamaan ko ng tingin si mr.linc.

"What are you doing miss amira?" takang tanong niya. Yumuko siya at tinignan pa ako ng mabuti sa mukha "What happened?"

"Hindi ako makatulog~"

"But why are you crying?"

"Kase gusto ko na matulog!" umayos ako ng upo para ipagpag ang damit ko.

"And you're here to bother me?"

"You know what? Just come with me" tumayo ako at hinila siya papunta sa hallway na bihira lang nilang pinupuntahan. Walang ibang pinto dito kundi altar lang sa dulo nito.

Nauna na ako kay mr.linc at huminto sa tapat ng altar tsaka nagdasal. I-I know ate zaira is good, I can see it to her eyes. That's not true right??? Please help me, help my family. Papá, si nath, si tita, si kuya at si ate, they are the only family I have.

Yumuko na ako at pumikit pa habang magkadikit ang mga palad ko. Naramdaman ko naman ang palad ni mr.linc sa balikat kaya tinapik ko lang yun.

"Please hear my prayer" humarap ako kay mr.linc na nakahawak pa rin sa balikat ko habang nakayuko.

"What?" tanong niya at umiwas sa akin. Umayos siya ng tayo na parang nagulat at nilagay sa likod ang kanang kamay niya. Natawa ako ng konti, nakakatakot ba ako o ano?

Someone's special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon