Chapter 2

49 18 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 2

   

Sinalubong ako ng kapatid ko ng mahabang sermon, dahil kababae ko raw tao eh umaga na akong umuuwi. Daig ko pa raw siya na lalaki. Napatulala na lamang ako sa kanya habang patuloy siya sa pagsasalita. Hinihintay ko siyang matapos sa kanyang mga sinasabi. Ang buong akala niya ay naglasing lang ako. Hindi naman ako ganoong klase ng babae. Ako ang panganay pero parang mas matanda siyang umakto at grabe kung pagalitan ako. Gosh! ang sarap tuloy niyang ibalik sa sinapupunan ni Mama.

Kung alam mo lang sana ang nangyari sa akin.

Naramdaman din siguro nitong kapatid ko na si Riuz na hindi ako nagsasalita kaya napatigil siya at tinitigan ako sa mukha, dahilan para kumunot ang noo ko.

"Kasama mo ba si kuya kagabi kaya hindi ka umuwi?" Mas lalo akong napasimangot nang isali niya sa usapan ang numero unong lalaking makulit sa buhay ko.

"Ganoon ba akong klase ng babae na sasama basta-basta sa isang lalaki ng buong gabi?"

"Hindi naman... baka lang kasi, you know, ate. Mas mapapanatag pa ang loob ko kung siya ang palagi mong kasama. Kahit umaga man o gabi."

Okay, ang lalaking tinutukoy niya ay---manliligaw ko. Wews! Hindi ko din akalain na may isang pares pala ng mata ang magkakamali sa akin.
 

Nagdahilan na lang ako sa aking kapatid na sa classmate ko ako natulog dahil sa dami ng projects na tinapos namin. Tapos ay tinalikuran ko na siya at hindi na pinagkinggan ang sunod niyang mga sinabi.

Kahit inaantok ay binilisan ko na ang pagligo dahil 7:30 ang start ng class ko. Pinahiran ko ng concealer ang ilang mga gasgas sa mukha ko para matakpan at hindi mahalata. Ang problema ko nga lang ay yung mahabang guhit ng sugat sa aking hita, pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil nagmamadali ako.

Antok na antok na ako at gusto kong matulog at magpahinga, pero dapat akong pumasok para walang magtaka maski isa sa kanila. Maski isa sa mga taong iyon.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng bahay. Alam kong sa muling pagtapak ko sa eskwelahang yun ay magbabago na ang takbo ng buhay ko, na parang pinagtataguan ko si kamatayan ngayon.

Namatay ang mga magulang ko two years ago dahil may nag-planta ng bomba sa kotse nila. Mayor noon si Papa dito sa aming bayan at maayos ang kaniyang pamamalakad. Isa siyang mahusay na alcalde kaya hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari yun sa kanilang dalawa ni Mama. Napakabuting tao ng mga magulang ko kaya siguro maraming naiinggit dahil maraming nagmamahal sa kanila. At sa kasamaang palad ay pinagtangkaan ang buhay nilang dalawa.

Ipinikit ko ang aking mata at sandaling inalala ang masakit na huling sandali nila.

"Anak, palitan mo 'yang suot mo, masyadong maiksi. Simbahan ang pupuntahan natin at hindi lamang sa kung saan." Mahinahon na sabi sa akin ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang problema sa suot kong kulay maroon na bistida na hanggang taas ng aking tuhod ang haba. Kahit gusto kong magreklamo dahil ayoko ng maghanap ng iba pang damit ay sinunod ko na lang ang gusto niya dahil ayaw na ayaw niyang sumusuway ako.

Matapos kong magpalit ay humarap ako sa aking malaking salamin. Kinuha Ni Mama ang suklay sa akin at siya ang humagod ng aking mahaba at itim na itim na buhok habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Marahan niya akong nginitian kaya naman mas lalo kaming naging magkamukha.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now