Chapter 1

48 16 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF
Chapter 1

                 

Tumigil na yata ang mundo ko sa mga sandaling ito. Pero patuloy pa rin ang pagtulo ng pawis sa gilid ng aking noo. Natutop ko ang sariling bibig at nanatiling nakakubli sa isang tagong sulok. Hindi ko inaasahan ang mga nasaksihan ko.

Habang pinipigilang makalikha ng kahit anong tunog ay kanina pa rin ang pagtulo ng aking luha dala na rin ng takot at kaba na baka mahuli nila ako.

"Hijo... maawa ka. P-pakiusap." Pagmamakaawa ng matandang lalaki habang nakasubsob na ang mukha sa malamig at maruming semento. Ngunit tila walang pakialam ang lalaking kaharap nito sa kanyang pagmamakaawa at pakiusap. Nakatutok pa ang baril nung lalaki doon sa matanda habang pinagmamasdan kung paano itong maghirap ng husto. Staring blankly, emotionless and so cold.

How he became like this?

I silently cried for what I have witnessing right now.

Madilim ang paligid. Ngunit maliwanag ang buwan na siyang nagbibigay ng liwanag para mas lalo kong makita at masaksihan ang mga nangyayari.

Muntik na akong mapasigaw nang tatlong putok ng baril ang nangibabaw. Muli ay sunod-sunod na putok ng baril nanaman ang narinig ko na hindi ko na mabilang.

Sa isang iglap, wala pang isang kurap.  Nakabulagta na ang lalaking kanina ay nagmamakaawa lang at wala ng buhay. Patay na siya ngunit dilat ang mga mata nito habang ang dugo mula sa kanyang noo ay umaagos pababa sa kanyang mukha.

Nasaksihan ko ang karumal-dumal na pagpatay sa buong pamilya ni principal Lewis, ang aming kasalukuyang principal. Mga walang kalaban-laban ngunit pinagtulungang pahirapan ng mga walang awang mga lalaki.

At ang mga lalaking iyon ay kilalang-kilala ko. Bakit sila pa? Bakit nila yun nagawa? Bakit ang sasama nila?

Hindi ko matanggap.

Sinubukan kong kumilos na hindi gumagawa ng kahit anong tunog. Ngunit hindi ko naiwasan ang yero sa aking tabi. Gumuhit ang pahabang hiwa sa gilid ng aking hita at agad kong naramdaman ang mahapdi at makirot na sugat.  Mabilis ko yung hinawakan upang magbakasaling mawala ang hapdi. Mariin akong napakagat sa aking labi upang iwasan ang anumang boses na lalabas sa aking bibig. Muli akong bumalik sa aking pagkukubli dahil baka mahuli nila ako kung lalabas pa ako.

Pero sa hindi inaasahan ay kusang naglaglagan ang mga gulong sa aking gilid. Muntik pa akong madaganan buti naka-iwas ako. Nagbigay ito ng ingay at kalabog kung kaya't nakuha ko ang atensyon nila dahilan upang lahat sila ay mapatingin sa kinaroroonan ko.

Nanlalaki ang aking mata. Patay na ako nito.

Kahit papilay-pilay at nanginginig sa takot ay wala akong pinalampas na segundo para makatakas sa lugar na 'yun. Na kahit ilang pursyento lang ang chance na mabuhay ako sa pagkakataong ito ay pinanghawakan ko.

Alam kong hindi nila ako pakakawalan. I need to escape. I need to stay alive.

Tumakbo ako. Tumatakbo lang at hindi lumilingon kahit na alam kong sinusundan nila ako. Kung saan-saan na ako napalusot at nagpaliko-liko para iligaw sila, pero hindi ko din kabisado ang lugar. Kung pwede lang sanang lumipad!

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now