Chapter 10

24 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 10

Pinahid ko ang mga luhang umaagos sa aking pisngi bago padabog na lumabas sa kuwartong iyon. Wala ng dahilan para manatili pa ako roon at mas lalong ayoko ng makasama pa ang mga kagaya nila. Kung kanina ay kinakain ako ng takot ngayon ay inis na ako, lalo na kay Damian.


Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang marinig ko nanaman ang matapang na boses niya. “Hoy, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos 'di ba?” Animo’y may pagbabanta nanaman sa kanyang boses pero pinabayaan ko na lang siya at hindi manlang ako lumingon.

“Sa langit ako pupunta at hindi ka welcome doon.” Ganyan nga Venice, magmatapang ka. Mamaya yari ka nanaman. Ang dami ko na masyadong isipin ngayon tapos dumadagdag pa sila.

“Hindi ka ba natatakot sa akin?” Halos matawa ako na mapa-iyak sa tanong na iyon. Nilingon ko siya at nakipagtagisan ng titig sa kanya habang may mga luha pa ring tumutulo sa mata ko. Napansin ko naman na bahagya siyang napa-atras sa mga tingin kong iyon.

“Tingnan mo nga ang kalagayan ko, Damian. Nakikita mo ba ang luhang ito? Nakikita mo ba ang mga bahid ng dugo dito sa damit ko? Natatakot ako... pero hindi sa’yo. Natatakot akong baka may ginawa na silang masama sa kapatid ko dahil sa ginawa mo.” Mahina ang boses ko, pero sapat para malinaw niyang maintindihan ang mga sinasabi ko. Pero wala, tulala lang siya. Maski ang kumurap ay hindi niya magawa.

Naikuyom ko ang aking kamao at muli ko siyang tinalikuran. Tumuloy na ulit ako sa paglalakad saka marahas na pinahid ang luhang kanina pa umaagos sa pisngi ko.

Wala akong mapapala kung siya ang kaharap ko at mas lalo lang akong manganganib kapag malapit siya sa akin. Ngayon ay hindi ko na alam kung saan ako patungo. Talagang didiretso na ako sa pulis.

Naramdaman ko na lang ang isang mainit na kamay ang humawak sa pulsuhan ko, dahilan para mapaharap ako sa kanya. Si Damian, wala na ang nakakatakot at madilim na tingin niya kanina at ngayon ay maaliwalas na. Parang sa isang iglap ay biglang bumalik ang dating Damian na kaibigan ko. Iyong panahon na hindi ko pa alam ang tunay niyang pagkatao.

Dumulas ang kamay niya patungo sa kamay ko at binuksan ang palad ko saka ipinatong ang kuwintas na bigay ng mama ko. “Sayo ‘yan ‘di ba?” Mahinahon ang pananalita niya at tipid akong nginitian. Parang sa ilang sandali lang ay nawala na ang inis ko sa kanya at sa ganitong paraan lang pala.

“Salamat.” Halos pabulong kong sabi habang humihikbi. Ang buong akala ko ay hindi ko na ito muli pang makikita o mahahawakan. Ito na lang ang mayroon ako na parang kasama ko pa si mama, at ngayon alam kong makakapagligtas ang bagay na ito kay Riuz. Ang hirap kapag nangungulila sa isang ina. Ang hirap ng walang karamay sa ganitong sitwasyon. Feeling ko mag-isa lang ako na sinasalubong ang malakas na hagupit na alon ng mundo. Sa totoo lang ang hirap lumaban ng mag-isa.

"Tahan na." Napa-angat ang mukha ko nang marahan niyang punasan ang aking luha gamit ang kanyang thumb.

“I'm sorry." Natulala ako nang marinig ko ang salitang iyon mula sa kanya. Nag-so-sorry ba talaga siya?

"Sana sinabi mo agad. Sana humingi ka ng tulong sa akin para hindi mo nararamdaman na mag-isa ka." Ngayon ay tuluyan na niyang hinahaplos ang pisngi ko habang tinititigan ako sa mismo kong mata. Nawiwindang na talaga ako sa mga nangyayari at sa mga simpleng galaw niya.

"You're not alone, Venice... Nandito pa ako." Muli nanamang may pumatak na luha sa pisngi ko kasi sa lahat ng taong kakilala ko siya ang bukod tanging hindi ko inaasahan na magsasalita ng ganitong bagay. Hindi ako makakibo at nakatitig lang sa kanyang mata. Si Damian ba talaga ang taong kaharap ko? Parang hindi kasi sobrang kakaiba niya ngayon.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now