Chapter 30

21 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 30

Wala na akong nagawa at hindi na nagmatigas nang ilapag sa akin ang warrant of arrest . Nilagyan nila ng posas ang aking kamay at maingat na isinakay sa kotse ng pulis. Napaluha na lamang ako dahil alam ko na ang aking kahahantungan...

Wala akong kasalanan, ipinagtanggol ko lamang ang sarili ko pati ang aking kapatid at kaibigan. Kung hindi ko yun ginawa malamang ay patay na kami.

May dahilan kung bakit may nakikilala tayong iba’t-ibang klase ng tao. Maaaring balang araw ay matulungan nila tayo o tayo ang tumulong sa kanila. May iba naman na basta na lang napadaan at nahagip ng ating paningin. Yung iba ay dadating para tayo ay turuang huwag magtiwala ng sobra. Dahil kahit sino sa lahat ng nakakasalamuha mo ay pwede kang saktan sa isang kisap mata. Na hindi lahat ng taong naka-gawa sa’yo ng masama ay dapat pinapatawad. Siguro Oo, maaari namang magpatawad, pero sobrang hirap. Taon ang bibilangin, maraming araw at gabi ang palilipasin. May dadating na tuturuan kang baguhin ang pananaw mo sa buhay at tuturuan kang lumaban kung yun na ang natitirang huling pagpipilian. Hindi lahat ng taong malapit sa’yo ay makakasama mo hanggang dulo, minsan hanggang doon na lang ang kabanatang kasama mo sila. May mga taong hihigit sa sarili mong libingan, subalit may taong magiging dahilan kung bakit gugustuhin mo pang mabuhay ng matagal.


Nagkalat ang masasamang tao sa mundo. Nagkalat ang mga tukso. Mga taong makasarili, mapanghusga at mapanakit. But I still do believe good people does exists.


Habol ko ang aking hininga nang magising ako. Inangat ko ang aking kamay at nakitang wala 'yong posas. Hindi kulay yellow na damit na may sulat na detainee ang aking suot bagkus ay puting-puting damit. Walang mga pulis.

Ang buong akala ko ay nasa kulungan ako. Isang malaking bangungot lang pala ang paghuli sa akin.

Narito ako sa Hospital at nakahiga.

Napapikit ako ng mariin at tinakpan ang aking tainga dahil parang naririnig ko pa rin ang mga palahaw ni Akiza. Malaking trauma ito sa akin.

Hindi ko napigilang mapahikbi habang yakap ko ang aking sarili. Habang-buhay ko itong dadalhin. Tila walang katapusang bangungot habang ako ay gising. Bakit kailangang mabahiran ng dugo ang aking kamay para sa aming kaligtasan? Bakit kailangan kong maging kriminal para iligtas ang mahal ko sa buhay?

Naramdaman ko na lang na may tumabi sa aking higaan at niyakap ako mula sa aking likuran. Mas lalo akong napahikbi nang madama ko ang mainit niyang katawan.

"Tahan na, mahal ko. Wala kang kasalanan."

Napabalikwas ako ng bangon dahilan para mangirot ang sugat ko sa likod.

"Nasaan si Riuz? Nasaan si Pat. Ano ng nangyari sa kanila. Ayos lang ba sila? Sagutin mo ako, Exiz! Nasaan sila?!"

"Huwag ka ng mag-alala. Ayos na ang lagay nila. Natutulog sila sa kabilang kuwarto." Medyo nahimasmasan ako nang marinig na maayos na ang lagay nila.

"Gusto ko silang makita.."

"Nagpapagaling na sila. Ang intindihin mo na lang ay yung pagpapalakas mo...sandali tatawagin ko lang yung doctor."

Aalis na dapat siya pero pinigilan ko ang kanyang braso kaya napalingon ulit siya sa akin.

"Exiz, I'm sorry. Sorry naiwala ko yung singsing na ibinigay mo."

Marahan niyang hinawakan ang aking kamay habang titig sa aking mata. Hinaplos niya ang pisngi ko na may bandage dahil sa papahabang sugat nito.

"Walang kwenta ang singsing na yun dahil hindi kita na-protektahan. Hindi kita naalagaan. Masyado kong inabala ang sarili ko sa pagta-trabaho kaya nangyari ito sa inyo. Sorry Venice. Patawarin mo 'ko. Napaka-rami ko ng pagkukulang sa'yo."

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now