Chapter 13

21 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 13


Naalimpungatan ako bandang ala-una dahil nakaramdam ako ng gutom. Tinahak ko agad ang kusina ni Exiz at naghanap ng maaring makain pero nakakainis kasi walang laman ang ref. Gosh! Ba't walang stock? Ang yaman yaman pero hindi manlang namamalengke. Dahil wala naman akong ibang pagpipilian ay nagtubig na lang ako.

"Damn it, honey!"  Napa-igtad ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses sa aking likuran. Nilingon ko agad siya habang nasa bibig ko pa rin ang baso. Kusang nagsalubong ang kilay ko nang makitang may hawak siyang baril. Why is that?

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Muntik na kitang... Muntik na kitang masaktan dahil akala ko may ibang nakapasok." Dagdag niya pa habang itinatabi sa gilid ng kanyang pantalon ang baril. Ang lakas naman ng pakiramdam ng lalaking ito, sobrang hinhin na nga ng kilos ko para walang mabulabog sa pagtulog, pero nagising pa rin siya.

"Nagutom kasi ako, eh wala naman palang lamang pagkain itong kusina mo." Nagrereklamo kong sagot.

"Sana ginising mo ako. Anong gusto mo? ibibili kita."

"Hindi. Okay na ako." Mabilis kong tugon. Nakakahiya naman na masyado kung magpapabili pa ako ng ganitong madaling araw na.

Pero sa totoo lang, gusto ko kasi talaga ay Spanish Style Pasta, tapos toasted bread, saka strawberry jam, pero huwag na lang.

"Is it your forever love pizza and fries, honey? Yun ba yung gusto mo?" Sabi niya habang unti-unting humahakbang palapit sa akin. Sorry, hindi yun yung gusto ko ngayon.

"Okay nga lang ako. Matulog na lang tayo." Ipinatong ko na sa may lababo ang basong ginamit ko pero saktong pagharap ko ay nasa mismong harap ko na din siya at sobrang lapit niya. Halos maduling na ako habang nakatitig sa kanyang mukha. Wala na akong nagawa kundi ang mas lalong sumandal sa lababo habang pilit nilalabanan ang kanyang malalim na titig.

"Ex---Exiz...anong ginagawa mo?" Halos mautal ko ng sabi pero mas lalo pa siyang yumuko para ilapit ang mukha sa akin. Napansin ko din na ipinatong niya ang kanyang dalawang kamay sa may lababo sa magkabilang gilid ko.

"Or me?" Bulong niya pa sa mismong tapat ng aking tainga dahilan para makiliti ako nang madama ang kanyang mainit na hininga, pero pinigil ko ang matawa.

Inangat ko ang kamay ko para sana itulak siya pero naramdaman ko na lang na kinarga niya ako at inupo doon sa lababo saka mabilis na ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya at hindi magawang makapagsalita dahil sa gulat, pero ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko. Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko na nakalas na yata sa pinaglalagyan at gusto ng umalis. Gosh! Bakit niya 'to ginagawa? Nawawala tuloy ako sa wisyo dahil sobrang lapit ng mukha namin pareho. Ganito ba talaga kapag may boypren?

Mama patawad, alam kong ang akward ng position namin ngayon, huwag mo 'kong pagagalitan mamaya sa panaginip ko, sadyang hindi lang ako makapag-isip ng matino ngayon.

"Honey, what are you thinking? Bakit ka nakapikit? Are you waiting for my kiss---" Nagmulat agad ako ng mata at tiningnan siya ng masama.

"No, humihingi ako ng tawad kay mama baka pagalitan niya ako...dahil sa...umh, position natin." Naiilang kong sagot pero nginitian lang niya ako at marahang tumango na parang hindi sang-ayon sa sagot ko.

"Wala naman tayong ginagawang masama ah?" Nangingiti niyang tugon, pero mas lalo pa akong natuliro ng maramdaman ko ang tungki ng kanyang ilong na naglalaro sa aking pisngi kaya napahawak na lang ako sa kanyang balikat at handa na siyang itulak, ngunit bumalik ako sa wisyo nang itapat niya sa aking mukha ang isang jar ng strawberry jam na kinuha niya mula sa aking likuran at ibinigay sa akin.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now