Chapter 12

25 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 12

               

Lumabas ako mula sa kwarto ni Riuz. Hinayaan ko na muna siyang mamahinga doon. Binagtas ko ang hagdan pababa mula rito sa ikalawang palapag na kinalalagyan ko ngayon.

Habang pababa ay malaya kong napagmasdan ang lawak ng bahay na gawa rin pala sa purong kahoy ng Narra. Naisip ko tuloy kong ilang puno ang kinailangang putulin para mabuo ang isang bahay na ito.

Napatapat ako sa malaking pinto na may mga nakaukit na disenyo. Tinitigan ko pa yun ng mabuti dahil nakakamangha lang isa-isahin yung design. Sobrang detalyado na animo'y mabusisi ang gumawa. Magaling at mahusay.

Binuksan ko na ang pinto at sinalubong ako ng sinag ng araw pati ang malamig at sariwang hangin.

"Saan ka pupunta?" Nilingon ko naman ang pamilyar na boses at nakita ko si Damian na naka-pamulsa sa suot niyang pantalon habang matabang na nakatingin sa akin. Medyo napakunot ang noo niya nang mapasadahan ng tingin ang kabuuan.

Hindi ko naman napansin na ang dami pala nilang magkakasama ngayon sa harap ng isang mahabang table. Yung parang may mahalaga silang meeting na ewan. May mga hawak pa sila na mga papers at mga folders. Tapos may power point pa sa harap nila. Ano naman kaya yun?

"Diyan lang sa labas." Tipid kong sagot at tumalikod na ako dahil hindi ko kinakaya ang mga mata nilang nakatingin din sa akin. Feeling ko tuloy ang alien ng hitsura ko.

"Anong gagawin mo sa labas?" Pahabol niya pa. Ba't ba ang chismoso mo Damian? Nakakainis.

"Basta." Tumakbo na ako kasi baka humirit pa siya ng tanong.

Tirik ang araw pero presko at hindi mainit sa pakiramdam.

Nakita ko ang isang maliit na kubo sa hindi kalayuan. Ka-agad ko yung tinungo dahil mukhang masarap tumambay doon.

Napangiti rin ako nang makita ang isang sapa na malapit sa may kubo. May ilang mga gansa doon na nagsisipagtampisaw sa tubig kasama ang mga anak nila. So cute! Sa tabi naman ng sapa ay ilang mga puno habang ang mga tuyong dahon ay nanlalagas. Pinagmasdan ko ang marahang pag-agos ng tubig habang ang mga tuyong dahon ay sumasabay lamang at nagpapatianod.

Parang ang sarap maging dahon na lang, dead, yet so beautiful.

Mas pinili kong maupo sa bukana nung kubo. This place is so relaxing. Those leaves that dancing in the wind. It gives me peaceful and comfort in my heart and soul. How I love falling leaves.

But I don't wanna stay here any longer. Hindi ko kaya.

“Para kang bata. Bakit kinakalimutan mong magsuot ng tsinelas?" Napakurap ako at hindi nakapagsalita habang pinagmamasdan siya. Hindi ko inaasahang lalapitan niya ulit ako. Ang buong akala ko'y wala siya dahil hindi ko siya nakita kanina sa meeting kineme na 'yon. At tulad ng sinabi niya kanina ay lalayuan na niya ako.

Inilapag n'ya ang isang pares ng pink na tsinelas at itinapat sa paa ko. Parang nanikip bigla ang dibdib ko.

For me, giving slippers to someone is like you're pushing them to walk away from you. For me it was symbolizes of letting them go. Gustong-gustong na talaga niyang umalis ako.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now