Chapter 29

24 15 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 29

                      

Hindi ako makapaniwalang ibinenta ni Exiz ang lahat ng mayroon siya. Kasi ayaw daw niya yung galing sa katas ng mga kasalanan at illegal na gawain niya. Kaya pala ang weird niya kahapon. Kaya pala mukha siyang pinabayaan. Pati yung kanyang kotse ay pinaltan niya ng second hand na parang manlalagas na ang turnilyo.

"I'm sorry to tell you this, honey... but you really are stupid." Sabi ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Why? Masama na bang mag bagong buhay?" Tugon naman niya saka inihilamos sa aking mukha yung palad niya.

"Dapat nagtira ka para sa sarili mo. Sayang naman yung maganda mong bahay na parang tambayan ng mahaharlikang tao." Idinonate niya kasi yung pera niyang pinagbentahan sa mga simbahan, orphanage at home for the aged, pati sa ilang mga public schools.

"Maghahanap ako ng mas maayos na trabaho, yung legal sa batas. Saka ako magpapatayo ng bahay at doon kita ititira. Ayos lang ba sayo yung kahit hindi masyadong malaki--"

"Shhh! Basta ikaw ang kasama ko, Exiz. Kahit anong klase ng bahay pa 'yan."

Tinalikuran ko na siya dahil umiinit yung pisngi ko sa sarili kong sagot. Itinuloy ko na lang ang pagpapakulo ng tubig na may mga bulaklak. Gagawa nga kasi ako ng pabango.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong niya habang naka-upo sa harap ng lamesa sa parteng likuran ko. Nandito kami sa may labas ng bahay, doon ko naisipang magluto kasi ang sarap ng hangin.

"Basta. Umalis ka na nga."

"Saan naman ako pupunta? Gusto mo bang makihalubilo ako sa mga dalaga diyan?"

"Umh, yeah. Balita ko maraming dumalagang kabayo diyan. You should date them." Tinapunan ko siya ng tingin habang naka-ngisi. Ang akala ko ay mapipikon siya, pero hindi, ngumiti lang siya ng nakakaloko habang marahang tumatayo sa pagkaka-upo. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin habang malagkit ang tingin at nakangiti pa rin ng nakakakilabot.

Oh uh...

Huhulihin niya dapat ako pero bigla na lamang sumulpot si Riuz sa harapan namin.

"Ate, nasaan si Pat?" Napansin ko ang dala niyang isang bigkis ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

"Ano nanaman bang gagawin mo sa kanya? Nahahalata kong kanina mo pa siyang kinukulit ah."

"Labas ka na dun, ate. Si bayaw na lang intindihin mo." Yun lang ang sinabi niya at umalis na din agad. Pinagmasdan ko ang papalayong pigura ni Riuz. Gusto ko siyang batuhin ng sandok na hawak ko dahil nanggigigil na din ako sa kanya kahapon pa.

"Bakit ba ang hirap magpalaki ng kapatid?" Nasambit ko sa hangin.

"Mas mahirap magpalaki ng anak."

___

Tatlong araw lang kami nag stay sa farm at pumunta na kami sa mansion ng mga magulang ko, yung dati naming bahay. Mula Quezon to Batangas ay tatlong oras lang ang naging byahe namin. Si Exiz na ang nag-drive at hindi na ulit ako nagpumilit, kasi talagang baka itapon na niya ako sa tulay kapag naasar siya sa akin.

"Hon, aalis muna ako ha?" 

"Saan ka nanaman pupunta?" Isang linggo na kami dito pero palagi na lang siyang paalis-alis.

"May aasikasuhin lang ako, babalik din ako mamayang hapon." Hinalikan na niya ako sa aking noo at hindi na hinintay pa na sumagot.

Gusto ko sanang gumala-gala dito sa Batangas kasama siya, pero palagi naman siyang wala. Minsan nagdududa na din ako eh.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now