Chapter 27

17 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

chapter 27

Nostalgic.

Pagkapasok ko sa bahay ay parang dinadala ako ng simyo ng hangin sa kabataan ko. Ang pamilyar na amoy ng mansion na nag-papabalik ng mga alaala ko bago ako umalis noon. Ang bawat sulok ng matanaw ko sa loob ay may kaakibat na kirot sa aking dibdib. Parang paulit-ulit akong pinaparusahan ng pagka-lumbay at pangungulila ko. Pangungulilang hindi mapupunan ninuman.

Halos walang ipinagbago ang loob. Nandito pa rin ang mga larawan at mga litrato ng aming pamilya. Tila walang nakibo o nagalaw man lang.

Tumagal ang pagkakatitig ko sa portrait ng Mama at Papa ko noong ikinasal sila. Kailan ba mababawasan ang bigat sa dibdib ko? Kailan ba mauubos ang kirot dahil nilisan nila ako?

"Ven, ang ganda mo. Prinsesang prinsesa ang dating mo dito oh." Sinundan ko ng tingin ang portrait na pinagmamasdan ni  Pat. Ang inosente at ang ganda pa ng pagkakangiti ko doon. Parang walang problemang dinadala. Kung pwede ko lang ibalik ang bawat sandaling masaya at maayos pa ang lahat.

"Ang yaman-yaman mo na ulit. Masaya ako para sayo, princess Ven."

"I hate it when someone's calling me princess. Kasi ako yung prinsesang walang kahit anong kayamanan." Tugon ko sa kanya habang hinahaplos ang litrato nila mama at papa. At sa bawat dampi at hagod ng aking palad doon ay nagfa-flashback ang mga alaala ko kasama sila.

"Anong sinasabi mo diyan Ven, Pinalilibutan tayo ng mamahaling gamit nyo. Pinalilibutan tayo ng kayamanan mo."

"Ang tanging kayamanan ko lang ay ang pamilya ko. Paano akong matatawag na prinsesa at mayaman kung lagas na ang pakpak ko? Anong silbi ng mga ginto at salapi kung ang nag-iisa kong kapatid ay unti-unting lumalayo sa akin?" Sagot ko sa malungkot na boses.

Naramdaman kong umiinit nanaman ang aking mata. Nami-miss ko na ang kapatid ko. Miss ko na ang dating siya.

***

Habang hinihintay namin si Attorney Ledesma na dumating ay inilibot ko muna si Pat sa loob ng Mansion. Nagtagal kami ay sa dati kong kuwarto at nakakatuwang nandoon pa ang mga iniwan kong gamit. Hindi naalis ang paborito kong salamin na binili para sa akin ni Mama na mula pa sa France. Naglibot-libot pa ako sa loob ng aking silid at pinakialaman ang mga bagay na alam kong may karapatan ako.

Nakakaluwag lang sa dibdib. Hindi ko alam kung paano ang ginawa ni Attorney para mabawi ang bahay at maiayos ang lahat sa dati. Pero ang alam ko lang, masasagot ang lahat kapag dumating na siya.

"Napaka-classic and elegant ng bahay nyo. Sino ba ang architect nito? Para akong nasa Spain. Seriously? Panahon pa ba ng mga kastila ito?" Mahina akong napatawa dahil sa sinabi ni Pat.

"No. Inspired lang ang bahay na ito noong spanish era. Mahilig kasi si Mama sa mga ganun kaya sinunod na lang ni Papa. You know, My mom is the boss." Tugon ko habang may pilit na ngiti.

Nilibot ko ang may kalakihan kong kuwarto Binuksan ko ang aking drawer at nakita kong nandoon pa rin ang mga luma kong notebook.

"Wala pala si Sir Sebastian kay Madam Victorina eh."

"Sana na-meet mo sila no?" Pilit kong pinapagaan ang aking loob kahit pakiramdam ko'y sasabog na ako sa sobrang halo-halong emosyon. Pero kahit anong pagpipigil ko, palagi pa rin sumasagi sa isip ko ang magandang mga ngiti ni Exiz.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now