Chapter 26

17 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 26

Sandali akong natigilan kasi ang seryoso ng mukha ni Damian. Gusto kong marinig mula sa kanya na nagbibiro lamang siya pero nanatili siyang nakatitig lang sa aking mukha. Naalala ko lahat ng mga nangyari noong mga panahong kinidnapped niya ako at kung paano siyang naging totoo sa akin.

Pero magpaka-totoo pa man siya o hindi, kailanman hindi na niya makukuha maski ang katiting na tiwala ko.

"Nakakatawa, paanong ang mga halimaw na katulad nyo ay marunong palang magmahal?" Mahina kong saad pero sapat para marinig niya. Sarkastiko akong napatawa habang naiiling. I couldn't belive this. Napaka-dali lang para sa kanila na sabihin ang pagmamahal, samantalang hindi sila marunong magpahalaga ng buhay.

"I am still human."

Lihim akong napangiwi at umiwas ng tingin sa kanya.

"Human knows how to value everything that has life."

"Believe me, Venice, sayo lang ako nagiging tao." Sumulyap ako sa kanya at nakita ko kung gaano katalas ang mata niya. Bigla akong nanlamig at kinilabutan dahil sa dilim ng kanyang mukha. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil parang lulutuin niya ako ng buhay sa mga sandaling ito. Parang bigla akong gumaling dahil lumalabas na ang mga pawis ko sa katawan kahit hindi pa ako nakaka-inom ng gamot.

"Umuwi ka na magpapahinga na ako."

"Kumain ka muna tapos uminom ng gamot." Napa-ismid na lang ako dahil para akong batang inaalala niya pa. Natural kakain ako at iinom ng gamot para gumaling. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na palibhasa may lagnat magpapapilit pa at mag-iinarte bago kumain, tapos ay matatakot pa sa gamot bago uminom.

"Gusto kong palaging healthy ang magiging ina ng magiging anak ko." Dugtong niya pa habang nakangisi. Tumayo na siya at humakbang palapit sa akin. Pakiramdam ko'y nagbaliktaran ang mga bituka ko kaya para akong maduduwal na hindi ko maintindihan. Kinikilabutan ako. Mas sumama pa pala lalo ang pakiramdam ko.

"Lumayas ka na nga! Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sayong halimaw ka."

Mas lalo akong nag-aalala para kay Pat na alam kong nakikinig ngayon sa amin. This is torture to her, pero bakit ang masokista niya? Alam naman niyang walang mapapala sa akin si Damian. Pero ang walang prenong bibig ng lalaking ito ang alam kong magpapasakit sa damdamin niya. Ako ang nagi-guilty ng sobra.

I cannot push him away kahit ano pa ang gawing kong pagtataboy sa kanya. Para siyang abnormal na paru-parung paulit-ulit na bumabalik kahit hindi naman ako ang amo niya, kahit hindi naman ako ang taga-pangalaga niya. He's really annoying!

Nagbuntong hininga siya bilang pagsuko. Pinulot niya muna yung mga unan na nagkalat dahil sa pambabato ko sa kanya kanina at inilagay ang mga yun sa aking tabi.

"Wala ng karapatan sayo si Exiz." Sabi niya habang nakatayo sa aking gilid. Umurong yata bigla ang dila ko nang bangigitin niya ang pangalan ng lalaking 'yun.

"I am just waiting for this moment to come. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong mawalan ka ng ugnayan sa kanya." Dagdag niya pa ulit habang kinikibo ang bouquet of paper roses na bigay sa akin ni Exiz. Kumuha siya ng isa sa mga bulaklak nun at tinitigan ng mabuti habang naka-kunot ang kanyang noo.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now