Chapter 24

13 16 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 24

Mukhang balisang-balisa si Exiz habang hila  yung babaeng tingin ko ay ka-edad lang niya. Ilang ulit ko siyang napansin na napasuklay sa sariling buhok at parang hindi mapakali. Sinundan ko sila ng tingin kung saan papunta. Hanggang sa tumigil sila at sinalubong ang isang lalaki---si Don Maximo? Kita ko na biglang sumama ang tingin nung magandang babae kay Don Maximo kaya medyo nagtaka ako.

"Si Amethyst, daughter of Don Maximo...at kababata din namin." Rinig kong sabi ni Damian na nasa likod ko lang.

"And yeah, of course... Exiz's ex, they are childhood sweethearts. Ang babaeng kumumpleto kay Exiz bago ka pa lang dumating sa buhay niya." Dugtong niya pa.

Parang nanghina ako bigla sa hindi ko maintindihang dahilan. Pinapanuod ko lang sila Don Maximo at Exiz na ngayon ay mukhang nag-uusap.

Napaka-ganda ni Amethyst, sexy at mestiza-hin. Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng panliliit sa pagkatao ko. Wala akong binatbat kumpara sa kanya.

"Naniniwala ka ba talaga sa lahat ng mga sinasabi ng boyfriend mo? Do you think magagawa ko siyang ipapatay? We are buddies ever since. Oo nga at nagkakabugbugan kami, pero malabong dumating sa puntong papatayin ko siya." Mabilis akong napalingon kay Damian at pinagmasdan siya ng mabuti na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"So, sinasabi mong nagsisinungaling si Exiz? Sinasabi mong sinisiraan niya ang pangalan mo?"

"Yes."

"Bakit naman niya yun gagawin? Eh simula't-simula naman sira na ang pangalan mo."

"You know what, man can also play doll... and you are his doll, Venice. I am telling you. He cannot decline Amethsyt."

"Wha--what are you saying? Wala akong maintindihan sa sinasabi mo? Umalis ka na nga lang at iwan ako!"

Tinalikuran ko na siya at muling tiningnan ang tatlo. Halos kaladkarin ni Don Maximo ang anak na dalaga pero kumakawala ito habang umiiyak at mukhang gustong humabol sa papalayong naglalakad na si Exiz. Sumuko din naman agad si Don Maximo kaya kusa na niyang binitawan si Amethyst at hinayaang humabol kay Exiz. Tinawag siya nito kaya napatigil si Exiz sa paglalakad at hinarap siya.

Kitang-kita ko kung paano mag-alala ng husto si Exiz habang hindi maintindihan ang gagawin para patahanin si Amethyst sa pagluha nito. Pinunasan niya ang pisngi ng maputing pisngi ng dalaga saka marahan itong niyakap.

Marahan kong naikuyom ang aking kamao at hindi ko alam kung papanuorin ko pa ba sila, o tatakbo palapit sa kanila para kalasin ang yakap nilang dalawa. Pero ang pag-aalala sa mga mata ni Exiz ang lalong nagpapagulo sa akin.

"December 9, 2014 ngayon, ika-4th anniversary dapat nila kung hindi lang sila pinaghiwalay ni Don Maximo."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Damian. Hindi naman pala iniwan ni Amethyst si Exiz kundi pinag-hiwalay lang sila. Parang pinipiga at sinasakal ang puso ko nang makita kung paanong gumawa ng eksena ang dalawa dahil sobrang higpit ng kanilang yakapan, at mukhang ayaw na yatang magbitaw. Parang sabik na sabik sila sa isa't-isa.

Mula dito sa bintanang kinatatayuan ko, para akong nanunuod ng isang telenobela kung saan silang dalawa ang bida. Habang ako, heto...nasasaktan lang. May karapatan ba akong magprotesta sa ginagawa nila? Kasi kanina ko pang napapansin na sobrang kakaiba ang kilos ni Exiz. Yung kilos niya na malayo sa dapat na i-akto ng lalaking mayroon ng girlfriend. Yung kilos niyang kanina pang nagpapabigat sa dibdib ko. Hindi niya alam na nakatanaw ako, hindi niya alam na pinapanuod at pinagmamasdan ko sila. Hindi niya alam na nasasaktan ako sa pagyakap niya sa ibang babae.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now