Chapter 11

20 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 11

Mga boses ng mga lalaki ang unang kong narinig at nagpagising sa akin. Bagama’t nakapikit ay nakikila ko ang mga boses na yon. Napakunot ang noo ko dahil maski ang pagmulat ng mata ay hindi ko magawa at pakiramdam ko’y pagod na pagod ako’t nakipag-digma kahit wala naman akong ginawa.

Nasilaw pa ako nang unang beses kong imulat ang mata ko dahil sa liwanag mula sa ilaw. Inangat ko ang kamay ko upang takpan sana ang mata ko ngunit napa-aray ako nang maramdanang kumirot ang balikat ko. Naalala ko nanaman ang lahat. Bukod sa sakit ng balikat ay masakit din ang parteng puso dahil sa mga nangyari.

Tiningnan ko ang sarili ko at malinis na pala ang sugat ko, may balot na ito na puting benda. Sinilip ko naman ang suot ko at naka-bistida lang ako ng puti at manipis pa. My god! Sinong nagbihis sa akin?

Inilibot ko ang mata ko at nandito pala sa loob ng silid yung apat na binata. Si Damian, Easton, Zelo at Adam. Wala yung isa. Naka-upo sila sa harap ng lamesa sa parteng paanan ng kama at nagbabaraha kaya hindi nila napansin na gising na ako. Kaagad ko namang binalot ang sarili ko ng kumot at napangiwi nang masagi ko ang aking sugat. Huwaah, ang sakeet.

Napalingon sa akin si Damian kaya agad siyang tumayo at naglakad palapit sa akin. Nataranta naman ako at hindi alam ang gagawin. Wait, wala naman akong dapat ikataranta.

“Stop. Don't move. Dyan ka lang. Huwag kang lalapit.” Tumigil naman siya at nagsalubong ang mga kilay at mukhang clueless kung bakit ko siya pinipatigil.

“Bakit?” Takang tanong niya. Bakit ba ako nahihiya ng ganito? Hello? Lalaki kaya siya. Sorry, pero ganito kasi ako ka-conservative. Hindi ako nakikipagsabayan sa henerasyon ngayon na nauubus na ang tela ng damit.

Hindi niya ako pinansin at muli nanaman siyang humakbang palapit.

“Hep! Dyan ka lang kasi.”

“Ano ba kasing tinatago mo at ayaw mo akong palapitin?” Iritable niyang tanong. Venice, bakit mo ba kasi ginagalit yang si Damian? Alam mo naman na kakarampot ang pasensya ng lalaking yan.

“Basta! Bumalik ka na lang doon.” Pagtataboy ko sa kanya. Pero nagpamay-awang lang siya at pinaningkitan ako ng mata.

“Sandali nga. Inuutusan mo ba ako sa sarili kong teretoryo?” Oh my. Galit na nanaman siya. Doon ko lang na-realize na nandito pala ako sa isang malaki at malawak na kuwarto. Gawa ang silid sa purong kahoy ng narra. May barnes ang ding-ding at sahig pati yung ibang gamit na gawa rin sa kahoy dahilan para manginang ang mga ito sa sobrang kinis. May mga sariwang puting rosas na nakapatong sa isang magandang mesa na may disenyong inukit na katabi ng kamang kinalalagyan ko.

“Titingnan ko lang naman ang sugat mo. Wala akong gagawing kung ano sayo.”

“Okay na ako. Huwag ka ng mag-alala.” Naupo siya sa kama habang naka-pamulsa at tinitigan ako ng diretso sa mata na parang binabasa ako.

Narinig ko nanaman ang nang-aasar na sipol ni Zelo. Ang echeosero din talaga ng lalaking yun kahit kailan. Pinabayaan lang naman siya ni Damian at hindi nag-react.

“May tinatago ka ba?”

“Meron. Malamang.” Mabilis kong sagot.

“Ano?” Jusko po. Gusto ba talaga niyang malaman? Nakakahiya naman kung sasabihin kong manipis at maiksi ang suot kong damit. This is akward, hindi siya makaka-relate.

Paano ko ba sasabihin ng hindi akward at mukhang normal?

“Damian, huwag mo ng alamin. Kasalanan sa Diyos ‘yon.” Normal kong sabi. Sana naman ay tumigil na siya. “Siyanga pala... Sinong nagbihis sa ’kin?” I hope you get it.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now