Chapter 4

36 17 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 4

Habang lumilipas ang segundo at mga oras ay mas lalo kong pinoproblema ang mga nangyayari ngayon sa akin. Ang bigat sa dibdib. Parang may kung anong naka-daga’n dito.

Dalawang araw na ang lumilipas at hindi ko pa rin lubos maisip kung saang lupalop ako makakahagilap ng 50 milyon para sa utang ng magulang ko. Biruin mo 'yon? Parang hindi kapani-paniwala. Sa mga movie lang ako nakaka-encounter ng ganun.

Nakakatunaw ng utak. Habang tumatagal ay pasakit ng pasakit ang ulo ko kakaisip kung matatapos pa ba ito. Sana.

Sa klase ng pambabantang ginawa nila sa kapatid ko ay halatang hindi sila nagbibiro. Halatang galit. Ni hindi ko nga sila kilala manlang. O kung bakit nagkautang ng ganoon kalaki ang mga magulang ko.

Natatakot lang ako na baka maulit pa iyon.

Mayayaman naman sila Patrice at Zyzia. Kung manghiram kaya ako? My god! Naii-stress ako. Pero mayaman din naman sila Exiz. No. Big NO. Parang ako na rin ang kumitil sa sarili kong buhay kapag ginawa ko iyon. Tipong ibebenta ko ang kaluluwa ko kay kamatayan sa lagay na ‘yon. No way.

May one hour kaming vacant ngayon kaya naman patungo kami sa canteen para doon tumambay.

Pansin kong ilag sa akin ngayon si Exiz. Ano nanaman kayang problema nito? Kanina pa siya ganon sa klase. Seatmate kami pero lumipat pa siya sa pinakang huli katabi yung madaldal naming classmates. At ano naman kung maging ganito ang pakikitungo niya sa akin. Yun na nga ang gusto ko eh. Ang malayo sa halimaw. Pabor pa 'yon kasi magiging payapa ang mundo ko.

Nasalubong namin si Mr. Fidelino, ang librarian dito sa school. Humingi ito ng tulong kay Exiz dahil siya naman talaga ang palaging katulong nito pagdating sa mga libro. At dahil nga may maganda siyang reputasyon dito sa school kaya hindi ito tumanggi. Malamang. Nagbabait-baitan nga siya 'di ba, kaya kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari. Ang pakukunwaring mabuting tao. Lahat sila mapagkunwari. Lahat kami niloloko nila.

"May problema kayo?" Tinabihan ako ng dalawang girls. Hindi ko alam ang tinutukoy ni Patrice. Baka kasi mali pala ako ng iniisip.

"Haays! Kayo ni Exiz. What happened?" Nauubusan ng pasensya na wika ni Zyzia. Feeling ko tuloy sobrang slow ko. Well, minsan naman.

"Wala naman. Bakit?" Inosente kong tanong. Hindi ko naman kasi talaga alam. Ayokong isipin na dahil iyon sa nangyari kahapon. Dahil napaka-imposible.

Mausisa din talaga itong si Zyzia. Minsan tatahi-tahimik pero echosera din naman pala haha.

"Ilag s'ya sayo. Ano bang ginawa mo?" Tanong niya na parang ako yung sinisisi. Na parang automatic ako ang mali. Bakit kaya ganoon ano? May mga times na ikaw talaga agad ang mali without knowing the whole story.

"Wala. Malay ko ba dun sa taong yun." Hindi naman ako galit sa tanong niya.

Medyo napapaisip lang din ako. Kung ang dahilan ng pag-iwas ni Exiz ay dahil dun sa sinabi niya kagabi...hindi ko na alam. Kasi nakakalito din kung ano ang totoo sa hindi. Pero mas nangingibabaw sa akin na paniwalaan na hindi totoo ang bawat kilos na pinapakita niya. Maski ang kasalukuyan niyang kilos ay hindi ko na rin alam.

Humiwalay kami ng table mula sa mga binatang kasama namin. Kasi siguro may 'girls talk' kami sa oras na 'to. Ako nanaman ang magigisa nito. Haays. Bakit ba? Ayoko ng mga ganitong usapin ngayon. Stressed ako. Uunahin ko pa ba ito?

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now