Chapter 15

23 17 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 15

 

Kinabukasan, walang pa ring Exiz na dumating at nandito pa rin ako. Ang buong akala ko’y panaginip lang ang lahat pero hindi pala.

Masakit ang ulo ko kasi hindi ako nakatulog ng tama kahihintay sa kanya. Magdamag akong naghintay kung may Exiz ba na darating pero wala talaga.

Nasaan ka na ba?

Ang naalala ko, alas-tres na ng madaling araw ay gising pa ako at nakaupo lang sa kulay berdeng sofa at naghihintay. Hindi ko na matandaan kung anong oras na akong natulog subalit nagising nanaman akong nasa kama na. Siguro inilipat lang ako ni Damian, at sana naman wala siyang kalokohang pinaggagagawa.

9:16 na ng umaga ngayon at sobrang lakas ng ulan, nagwawala ang langit dahil sa lakas ng mga kulog. Pinapasok ng malamig na hampas ng hangin ang loob ng silid kaya nayakap ko ang sarili kahit nakakumot na ako.

Parang ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Bumukas ang pinto ng silid at mabilis na pumasok si Damian saka dumiretso sa akin.

Maayos ang itsura niya at bihis na bihis dahil mukhang may lakad siya ngayon.

Napabangon na lang ako nang maisip na baka aalis kami at pauuwiin na ako. Gosh! Buti naman at may kabutihan pa pala sa puso ng lalaking ito.

"Damian, pauuwiin mo na ba ako?" Sobrang lawak ng ngiti ko dahil excited na akong maka-alis dito. My gosh, may pasok pa kasi ako at ang dami ko ng absent.

“No. Ako lang aalis, huwag kang mag-alala dahil babalik din ako agad.” Sabi niya nang maka-upo sa gilid ko at nakatingin sa akin. Nawala bigla ang ngiti ko sa sobrang pagka-dismaya dahil umasa ako. Akala ko naman ay may bahid pa ng bait ang kalooban niya.

“Sasama na ako. Uuwi na ako, Damian. Please.” Pakiusap ko sa kanya habang nakahawak sa manggas ng kanyang damit at hinihigit-higit yun.

"I'm sorry, baby pero hindi pwede." Mahinahon niyang sabi habang unti-unting inaalis ang kamay ko sa kanyang manggas pero hindi niya binibitawan ang aking kamay.

"Bakit?! Iiwan mo lang ako dito ng mag-isa? Pakawalan mo na ako...ayoko na dito. May pasok pa ako at ang dami ko ng absent, paano ako ga-graduate niyan kung ikukulong mo ako?"

“Sinong may sabi na mag-isa ka? Kasama mo ang mga tauhan ko at babantayan ka nila. And diploma is just a fucking paper, you can't bring it on your grave.” Normal niyang sagot habang mas humigpit pa ang hawak sa kamay ko at tinitigan pa yun.

"Gosh! So ibig mong sabihin gusto mo akong mamatay ng mangmang? Anong silbi ng utak mo kung hindi mo lalamnan? At hindi lang basta diploma ang habol ko sa pag-aaral kundi knowledge, yung mga bagay na matutunan ko na hindi ko makukuha sa lugar lang na ito." Sabi ko saka inagaw ang aking kamay subalit inagaw nanaman niya.

"But the greatest lesson you can learn is you will find in real life." Seryoso niyang saad. Hindi ko akalaing sa kanya pa magmumula yun.

Hindi na lang ulit ako umimik. He has his own principles, perception and perspective, at kahit umabot kami sa mahabang argumento ay hindi talaga kami magkakaunawaang dalawa. Kahit yata halos maputol na ang litid ko sa aking ipinaglalaban ay talo pa rin ako sa huli.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now