Chapter 19

29 17 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 19

Pagpasok ko sa bahay ay nayakap ko agad si Riuz sa sobrang pagka-miss sa kanya.

"Ano, Riuz nagtino ka ba? Pumapasok ka ba sa school? Wala bang nangyari sa'yong masama habang wala ako?"

"Kalma ate. Kasama ko naman si bayaw kaya alam kong ligtas ako. Ikaw, sinaktan ka ba ni Damian? Pinahirapan ka ba niya? Anong ginawa niya sa'yo? Gusto mo bang bugbugin ko na siya?"

"Riuz, makinig ka sa akin.. Mula ngayon ayoko ng maririnig mula sa'yo ang pangalan ng isa man sa kanila. Huwag ka ng lumalapit-lapit pa lalo na kay Exiz. Walang magandang maidudulot sa'yo ang taong yu---"

"Ate, kung alam mo lang sana...hindi mo masasabi ang ganyang bagay. Sana ngayon mo paandarin ang kabaitan mo. Alam kong galit ka pero sana huwag mong ikandado ang pinto ng puso mo kay kuya Exiz. Sobra ka niyang mahal ate. At makakampante lang ako kung kamay niya ang hawak mo." Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ko at bahagya pang nagsalubong ang aking kilay.

"Pwede ba Riuz, sundin mo na lang ang sinasabi ko. Layuan mo siya at huwag mo 'kong susuwayin."

"Pero naniniwala ako sa kasabihang love is sweeter at the second time around. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang akong magkaroon ng pamangk---"

"My god! Riuz manahimik ka! Lumayas ka sa harap ko dahil kung anu-anong sinasabi mo."

Nadampot ko agad ang dust pan kaya mabilis siyang tumakbo habang natatawa pa.

Hindi niya siniseryoso ang mga sinasabi ko. Ang hirap magpalaki ng kapatid na pasaway, dahil para sa kanya lahat biro.

***

Kinabukasan.

Alam kong hindi na ako tatanggapin sa school na ito dahil dalawang buwan akong hindi pumapasok. Malamang sa malamang ay drop na ako. Kaya heto ako at makikipag-usap sa advicer ko. Umaasang bumukas ang langit para bigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon. Gosh! Isang malaking himala talaga na tanggapin pa ako ng school.

Patungo ako ngayon sa office ni Ma'am, suot ang aking white converse shoes, pants at white shirt na may short poem na "Somedays I am the light, Somedays I am the darkest cloud."

Muntik pa akong hindi papasukin sa gate kasi hindi ako naka-uniform. Buti na lang dinala ko ang ID ko. Kumatok muna ako sa pintuan ni Ma'am.

"Come in."

Nang sandaling makapasok ay parang gusto ko biglang ihakbang ang mga paa ko paatras at huwag na lamang tumuloy.

Anong ginagawa ng limang lalaking ito dito? Hindi naman na sila student sa school na 'to dahil natapos na nila ang totoo nilang pakay.

"Maupo ka hija." Nakangiting sabi ng guro ko at napansin ko nga ang isang bakanteng upuan sa pagitan ni Damian at Exiz.

Haist. No choice.

Sobrang bango ng dalawang binatang katabi ko, na parang maski ang pabango nila ay nagtatalo at naglalaban. Lumalanit tuloy hanggang sa lalamunan ko ang amoy nila na parang nalalasahan ko na. Pero ang weird kasi inaantok ako tuwing makaka-amoy ng panlalaking pabango.

Naramdaman ko pa na pasimple nilang idinikit ang kanilang braso sa akin. Hindi ba nila ako titigilan? Pati ba dito? Ang sarap nilang pag-umpugin at itali ng magkasama.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now