Chapter 32

15 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 32

VENICE JA FUENTES

Katulad ng usual na ginagawa ng mga newly married, sweets, sweets, and sweets everywhere. Kaya naman kanina pang naghuhurumintado itong si Exiz at parang timang na hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Napatulala ako at napatigil sa pagsubo sa kanya ng pagkain kaya napakunot noo siya.

Kasalukuyan kaming nagme-meryenda.

"What's the problem, Hon?" Umiling ako at binalewala na lang ang kabang nagpapabagabag sa akin ngayon. Bakit ang weird? O baka sadyang praning nanaman ako?

"Honey, gusto mo ba talagang gumala ngayon?" Tamad na tamad na yumakap mula sa aking likod si Exiz at hinalikan ang balikat ko. Marahan ko naman siyang hinarap at hinawakan ang kanyang parehong pisngi.

"Ayaw mo ba? Sige ako na lang."

"Dito na lang tayo sa bahay." Maktol niya pa na parang bata. Hindi ko din alam pero parang gustong-gusto ko talagang umalis ngayon. Parang tinatawag ako ng labas---may ganon ba?

"Ah basta aalis tayo, sige na maliligo lang ako." Ayaw pa sana niyang bitawan ang kamay ko dahil napaka-higpit ng hawak niya sa akin. Para namang hindi ako babalik.

"Exiz, bitaw na." Mahinahon kong sabi.

"Sabay tayo." Nakangiti pa siya ng matamis na parang maaakit at mauuto ako sa mga paganon niya. Neknek niya.

"Kaliligo mo lang di ba?" Sabi ko habang matalas ang tingin sa kanya. Pilit kong kinakalas ang mga bisig niyang ayaw alisin sa pagkakayakap sa akin. Gosh, this is so stressful! Balian ko na lang kaya siya ng braso.

"Pwede pa naman ulit, 'di ba?" Ngumingisi niyang sagot. Alam ko ang nasa isip niya, hindi pa lang talaga ako handa kasi kanina pa akong kinakabahan ng kakaiba, maybe later na lang hehe! Pero ngayon gusto ko lang munang gumala.

"Exiz, bitaw! Isa!"

"Pa-kiss muna ng dalawa." Kanina pa siyang nagpapa-cute sa akin, hindi naman ako tinatablan. Umiwas ako ng tingin sa kanya at itinago ang mapangiti.

"Kahit isang daan pa, basta gagala muna tayo."

"Ngayon naaaa." Parang siyang batang nagmamaktol. Haist! Umaandar nanaman ang ka-abnormalan niya.

"Ngayon na. Ngayon na. Ngayon naaa--"
I sat on his lap and quickly cupped his face with my hands. I kissed him for what he wants kaya natahimik siya. I'm afraid na baka mas lalo siyang ma-abnoy at hindi ako lalo pakawalan.

Para na siya ngayong isang batang napagbigyan sa gusto.

He was about to put his hands inside my shirt, but I immediately caught it to stay and behave. Gusto ko na lang na itali ang mga kamay niya para hindi lumikot. Not now, honey.

His kisses are getting hotter, but my palms are getting cold. My heart pounding by scares and worries. Mas lalong lumalala ang aking pangamba ng hindi ko maintindihan.

Pinutol ko ang halik na yun at diretsong tumayo saka tuluyang iniwan si Exiz sa kanyang pag-kakaupo. Hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya dahil paniguradong dismayadong mukha lamang ang makikita ko sa kanya. I'm afraid to myself na baka bumalik ulit ako sa kanya. Controlling the self isn't that easy and I know that this is more difficult for him.

Nandito kami sa bahay niya sa province. Malapit ito sa parteng dagat at dun ko gustong pumunta ngayon, doon ko gustong gumala at magliwaliw.

Wala pang kalahating oras ay natapos din agad ako sa aking paliligo. Simpleng backless dress lang na kulay maroon ang napili kong isuot. Medyo natatawa pa akong humarap sa salamin dahil ngayon lang ako makikita ni Exiz na magsuot ng ganitong bukas ang likod at hanggang hita ko ang haba.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now