Chapter 16

20 17 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 16


Sinabi sa akin ni Damian na ihahatid lang niya ako pauwi kapag magaling na magaling na ang mga sugat at pasa sa aking katawan, pero lagpas tatlong linggo na ako dito at magaling na. Subalit ang ipinangako niya na kalayaan ko ay hindi niya tinupad! Nagsinungaling siya! Pinaniwala lang niya ako!


Ano pa ba ang aasahan ko sa gaya niyang tuso? Siya si Damian, ang pinaka-sinungaling na taong nakilala ko sa buong buhay ko at wala yata sa sistema ng kanyang kaluluwa ang maging tapat.

Nagagalit ako sa kanya...galit na galit! Pero wala akong magawa dahil minamanipula niya ako.

At heto ako kasalukuyan siyang pinagmamasdan mula dito sa ikalawang palapag ng bahay habang may kausap siya na isang kilalang tao sa pulitika. Oh yes, this place is hell.

Sa tagal kong namalagi dito ay nalaman ko ang lahat ng mga pinaggagagawa niya. Lalo kong nakilala ang mas madilim pa niyang katauhan. Maaaring guwapo si Damian, pero hanggang dun lang yun dahil mula kaluluwa niya, hangang buto-buto, ugat at laman, mula ulo hanggang talampakan ay makasalanan siya.

Dahil dito sa mismong bahay na kinalalagyan ko nagpupunta ang mga taong gustong bumili ng iba't-ibang klase ng droga. Yes, ang napaka-galing na si Damian ay may negosyo pala ng drugs.

At ang mga customers niya ay wala iba kundi ang mga mayayamang tao na nasa business industry, mga nasa pulitiko, mga celebrities, kabataan, mga ordinaryong tao, kung sinu-sino at lahat ng pwedeng maging customers ay nasaksihan na ng mismo kong mata.

Samantalang tuwing katahimikan naman ng gabi ay may naririnig ako na mga truck na biglang nagdadatingan. Tuwing makalwahan ng gabi kung dumating 'yon dahil nagde-deliver lang naman sila ng iba't-ibang klase ng droga. May capsules, liquids tablets and even powder drug na nakalagay sa kahon-kahong malalaki.

Gosh! Hindi ko talaga alam kung paano ko nakakaya ang mga bagay na nalalaman ko.

And the other day, dadating naman yung mga kung sinu-sinong suki ni Damian para bumili.

Magaling pala sa negosyo ang lalaking ito pero hindi ginagamit sa matino.
Napaka-raming buhay ang sinisira niya, maraming pamilya ang nawawasak dahil sa kapangyarihan ng droga. Maraming namamatay dahil sa mga bawal na gamot na 'yon dahil hindi kinakaya ng kanilang katawan. Maraming utak ang nawawala sa tamang takbo, kaya maraming tao ang napupurwisyo dahil pinagmumulan 'yon ng gulo, kaliwa't kanan ang nagiging karahasan, nagkakaroon ng pang-aabuso, pananakit o ang mas malalala ay nauuwi sa patayan. May nawawalan ng trabaho dahil naaa-pektuhan nun ang kanilang kilos, pag-iisip at paraan ng pakikitungo sa kapwa and worst nakakapanakit din. At yung mga aksidente na sanhi din ng makasalang gamot na yun. Tapos yung mga case na rape na muntik pa akong mabiktima, kung hindi dahil sa tawag ng laman ay sanhi din yun ng drugs! Yun ang mga nangyayari dahil sa business na ito ni Damian, isa siya sa dahilan kung bakit maraming tao ang nawawala sa tamang pag-iisip.

Oh my god!

Pero nasasanay na ako sa mga nasasaksihan ko at parang ordinaryo na lang ang mga nakikita ko. Those different kinds of guns, knives and every deathly weapon has no effect on me anymore.

Nakita kong parang nagtatalo si Damian at yung lalaking kausap niya na taga pulitika. Mukhang may hindi sila napagkakasunduan at nagkakainitan na dahil narinig kong nagmura yung lalaking kausap ni Damian. 'Yan na nga ba ang mahirap sa ganitong business.

Pero nanlaki ang mata ko nang makitang nakipagtutukan ng baril si Damian dun sa lalaking kausap lang niya kanina, kaya ganun din ang ginawa ng kanilang mga tauhan para protektahan ang kanilang mga amo.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now