Chapter 23

24 16 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 23

I am currently watching TV news which is about drugs na nasabat sa buy-bust operation. Bigla na lamang sumagi sa isip ko si Damian dahil isa siya sa mga responsableng may malaking hawak ng negosyong droga sa buong Pilipinas.

Hanggang ngayon ay umiinit pa rin ang dugo ko sa kanya tuwing maaalala ko ang mga pinaggagawa niya kay Exiz.

And aside sa mga drugs ay may napabalita pa na pagpapasabog sa iba't-ibang panig ng lugar dito sa Manila. Kaya halos daang mga tao ang nadamay at marami ding namatay.

Bakit parang ang daling kumitil ng mga walang kalaban-laban at inosenteng mga  buhay? Bakit parang walang halaga ang buhay sa mga taong may pakana ng mga yun? Wala ba silang pamilya? Wala ba silang asawa at mga anak? Mga magulang? Paano yung mga ma-uulilang mga bata? Mga magulang na maiiwan, yung mga asawang mabu-byudo at mabu-byuda?

Mayamaya ay narinig ko ang pag-tunog ng doorbell. Patayo na sana ako para puntahan kung sino ang tao sa may gate, ngunit napatigil ako dahil patakbong bumaba mula sa kanyang kuwarto si Riuz. Pansin kong katatapos lang niyang maligo at tumutulo pa ang mga patak ng tubig sa kanyang batok. Nakahubad pa siya at tanging pantalon lang ang suot, nakasabit din sa kanyang balikat ang kanyang towel na asul.

"Ako na ang magbubukas, ate." Nilampasan na niya ako at diretsong nagtungo sa may pinto. Kataka-taka ang mga kinikilos niya ngayon.

“Sandali.” Pigil ko sa kanya nang akmang bubuksan na ang pinto kaya napatigil siya at hinarap ako.

“Haharapin mo yung kung sinong tao sa labas nang ganyan ang itsura mo? Magdamit ka nga muna Riuz, ang panget ng katawan mo. Kahiya.”

“Naman ate, may problema ka sa mata.”

Mabilis na siyang umalis para puntahan yung tao. Naiiling nalang ako sa ginawa niya. Hindi na talaga marunong sumunod ang mga kabataan ngayon sa simpleng command lang.

Sa edad niyang kinse ay humuhubog na ang ganda ng kanyang katawan. Nag ji-gym yata ang kumag na batang yun ng hindi ko alam. Nagbibinata na talaga siya at mas lalo pang tumatangkad.

Pumasok si Riuz na may magandang ngiti at kasunod niyang pumasok ang isang magandang babae na halos kasing tangkad ko lang. Medyo nagulat ako pero hindi ko pinahalata dahil pansin kong biglang nahiya ang kasama niya ngayon. May lahid na kaunting make-up ang maliit nitong mukha at nakaladlad ang mahaba nitong buhok na kulay brown. Cute na cute naman ang itsura niya sa suot na denim skirt at off shoulder na kulay burnt orange, na pinaresan niya ng two inches sandals.

“Ate... si Aki, girlfriend ko.” Naka-ngiti si Riuz habang ipinapakilala ang kanyang kasintahan at bakas talaga sa kanyang mukha ang sobrang kasiyahan. Pansin ko pa ang pa-simpleng pagkuha niya sa kamay ng babae. Ito ang unang beses na may pinakilala siyang girlfriend. Pero bakit parang hindi ko kayang tanggapin? Bakit parang hindi pa tanggap ng loob ko?  Natatakot lang siguro ako na darating ang araw na may mamahalin siya bukod sa akin na ate niya, at ito na ang araw na ‘yon. Ang selfish ko naman kung hindi ko siya hahayaang sumaya. Pero wala din naman akong karapatang magalit o pagbawalan siya. Buhay n’ya iyon at kapatid lang niya ako. Ang kailangan ko lang gawin ay i-guide siya at hindi ang paghigpitan ng sobra. Dapat akong maging masaya dahil masaya ang kapatid ko.

“Hello po.” Magalang nitong bati habang halata na hiyang-hiya. Mukha siyang mayumi at mahiyaing dalaga. Wews, Maria Clara sa makabago at modernong panahon. Ganito pala ang taste ng kapatid ko, yung mga shy girl at hindi makabasag pinggan, at pang-dalagang Pilipina.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now