Chapter 28

15 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 28

Nang matapos ang bagyo ay nagkaroon na agad kami ng klase. Pero iilang araw lang din at nag-umpisa na ang aming Christmas vacation.

"Riuz, ayos na ba 'yang mga dala mo? Wala ka na bang nakalimutan? Bilisan mo naghihintay na sa labas ang kuya Exiz mo---"

"Ate, pwede bang huwag mo muna akong kausapin? May kausap ako sa phone oh, can't you see?" Nag-init ang pisngi ko sa pabalang na sagot sa akin ni Riuz, at hindi ko yun nagustuhan. Hinila na niya ang maleta at nilampasan ako habang nakadikit sa kanyang tainga ang phone. Si Aki nanaman.

"Man, don't talk your sister like that. Kahit kapatid ka niya paduduguin ko talaga 'yang bibig mo."

Sabi ni Exiz habang naka-harang sa daraanan ni Riuz. Nag 'tss' lang ito at hindi siya pinansin. Bahagya pa nitong tinabig si Exiz at walang paki-alam na lumampas.

Anong nangyayari sa kapatid ko? Pakiramdam ko sobrang layo na niya sa akin. May nagawa ba ako sa kanya na ikinagagalit niya ng husto? Parang wala naman. It's all starts since naging sila ni Aki.

"Hindi siguro ako magaling magpalaki ng kapatid." Wala sa sarili kong sambit. Nasasaktan akong nakikita siyang unti-unting lumalayo ang loob sa akin. Ayoko ng maramdamang maiwan ulit ako. Ayoko yung nandiyan siya pero parang wala.

"It's not you, hon. Nasa tao yun. Nasa kanya ang problema wala sa'yo."

Hinila na din ni Exiz ang maleta ko at binitbit ang ilan ko pang gamit. Magbabakasyon kami sa Quezon kung saan nandoon ang isa sa mga property na naiwan nila Mama at Papa. Bibisitahin namin yung iba pang iniwan nila sa amin.

Masaya sana, pero kulang talaga.

Kasama din namin si Pat sa vacation na ito, syempre iiwan ko ba naman ang bestfriend ko? Maiwan na si Exiz huwag lang siya.

"Exiz, ako na magda-drive." Normal kong sabi at dumiretso na sa driver seat. Marunong naman akong magmaneho kahit papaano dahil nag driving lesson ako noong 15 pa lang ako, kasi kagustuhan ni Papa.

Nakasakay na si Riuz sa backseat at sa tabi ko si Pat, sa passenger seat. Hinihintay ko na lamang si Exiz dahil inaayos niya yung mga gamit namin sa likod.

Mayamaya ay kinalampag niya yung pinto ko kaya pinagbuksan ko na dahil nai-lock ko pala yun.

"Bakit--" Tinanggal niya yung seatbelt ko at akma akong hihigitin palabas pero nagmatigas ako.

"Maupo ka na sa tabi ni Riuz, ako na magda-drive." Sabi ko saka ikinabit ulit ang seatbelt ko.

"Ako na, malayo yun."

"Magtatalo pa ba tayo dito?" Iritable na talaga ako dahil gustong-gusto ko ng makarating sa pupuntahan namin. Kahit 4 hours pa bago kami makarating dun.

"Hindi tayo magtatalo kung susunod ka sa akin. Umalis ka diyan at ako ang magmamaneho." Oh gosh, ginagamitan nanaman niya ako ng pagka-bossy niya.

Ipinatong ko ang isa kong kamay sa manibela, samantalang hinablot ng isa kong kamay ang kanyang kwelyo. Marahan akong umangat sa pagkaka-upo ko at inilapit ang aking mukha sa kanya. Napansin ko ang pagkagulat sa kanyang reaksyon pero matamis lang akong ngimiti. Or..mas magandang term--ngisi.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now