Chapter 17

18 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 17

Marahan akong sumilip sa labas ng kuwarto ko at tiningnan muna ang kaliwa't kanan kung may bantay ba.. pero clear and safe.

Lumabas ako at mabilis na tinungo ang silid ni Damian na katabi lang nung akin.

Para tuloy akong ninja na magnanakaw dahil sa mga kilos ko. Gosh! Hindi ko ma-imagine na kailangan ko pang gawin ang ganitong bagay.

Hinalughog ko ang buong kuwarto niya para maghanap ng pwede kong magamit para maka-connect kay Riuz. Nagbabakasakali na makahanap ng ligaw na cellphone dito sa kuwarto niya para maka-alis na ako.

Kung may ibon sana na pwedeng gawing taga-hatid ng message para matunton nila ako.. Wait, may ganon pa ba? Lakas makasinauna.

Binuksan  ko ang isang cabinet niya pero damit lang niya ang nakita ko dun. Sinubukan ko namang tingnan ang parteng ibaba nung cabinet pero muli ko ding isinara agad..wews, kaderder..underwear niya.

Paano ba ako makakakuha ng cellphone para makatawag kay Exiz o kay Riuz? O kaya kay Patrice?

Nag-aalala din kaya sa akin si Patrice kasi ang tagal ko ng wala? Ang huling tagpo namin ay galit siya sa akin dahil nakita niya kami ni Damian na magkasama.

Binuksan ko naman ang isang bahagi pa ng cabinet at nakita ang mga alahas ni Damian, karamihan ay iba't-ibang klase ng relo.

Pero naagaw ang atensyon ko sa isang maliit na box na kulay pula. Nagdadalawang isip ako kung kikibuin ko ba yun o hindi.

Hindi ako pakialamerang tao kaya hindi ko gagagalawin ang hindi sa akin...

Gosh! Ang ganda naman ng singsing na ito. Tunay kaya 'to? Kung ipalit ko kaya ito sa mga tauhan ni Damian kapalit ng cellphone nila para makatawag ako?

Maliit na simpleng pulang bato lang ang disenyo nung singsing pero sobrang elegante ng dating.

Parang nanuyo ang lalamunan ko nang maisip ang isang bagay kaya mabilis kong ibinalik sa kahon ang singsing.

Sana hindi. Sana hindi niya sa akin yun ibibigay. Alam ko ang assuming ko sa part na yun pero, the way Damian looks at me beyond my soul, the way he treats me as if I am his princess, the way he touch me like a delicate precious glass.

Kung paano siyang magsabi sa akin na mahal niya ako. Kung paano ko siyang mapaluha sa harap ko. At kung ilang beses ko siyang makitang masaktan sa mga salita ko. Paano kong hindi iisipin na hindi totoo ang nararamdaman niya para sa akin? Pero baka assumerang palaka lang talaga ako.

Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa ibang bagay. Nagbukas ulit ako ng isa pang mas maliit na cabinet at kulang na lang ay lumuhod ako sa sobrang tuwa nang makita ang isang cellphone. Pakiramdam ko ay dininig na ni God ang mga dasal ko at kusang nagbukas ang langit sa biyayang ito.

Kinuha ko agad yun at pinilit buksan kaya lang hindi gumagana. My god! Lowbatt pa yata.

"Hindi ba gumagana?"

"Hindi nga eh." Naiiling ko pang sagot.

"Baka lowbatt?"

"Baka nga. Nasaan ba ang charger nito?"

"Nandyan, kasama din niyan."

Kinalkal ko agad yung loob nung lagayan at nakita ko nga ang charger. Kumilos agad ang mga paa ko para puntahan ang saksakan pero saktong pagharap ko ay nasa harap ko na si Damian. Nagulat ako at naihagis ko paitaas ang cellphone. Muntik pa akong kapusin ng hininga habang nanlalaki ang aking mata na nakatingin sa kanya.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now