Chapter 5

29 15 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 5


"Kamusta na pala si Tito?" Tanong ko kay Zyzia.

"Ayon, Nagrerecover na siya." Mapakla siyang napangiti habang binubuklat ang kasunod na pahina ng binabasang libro at hindi ako tinapunan ng tingin.

Anim na araw na pala doon sa Hospital ang ama niya.

Hindi ko magawang itanong kay Zyzia kung bakit nabaril ang tatay niya. Para kasing nagising na lang ako isang araw na dapat wala na akong pagkatiwalaan, na pwedeng kahit sino pwede akong saktan. Iyong ganoong pakiramdam ba. Magmula kasi nang makita ko ang ibang side ng ugali niya noon sa Hospital ay parang ang tingin ko na sa lahat ay nagbabalat-kayo.

Yung katulad niyang mabait at tahimik ay may ganoon palang gaspang na ugali. Na nagiging halimaw at biglang nag-iiba kapag galit. Natural lang naman na magalit siya. Kagalit-galit nga naman kasi iyong nangyari. Pero ang magbanta siya na papatay? Parang iba na iyon.

Si Exiz, Damian, Adam, Easton, Zelo. Kilalang good boys ng school pero hindi pala. Responsable at mapagkakatiwalaan? Maling akala lang pala. Masahol pa.

Si Principal Lewis, bakit sa ganoong paraan siya namatay? Bakit ganoon na lang ang galit ng mga binatang yun? Gusto kong alamin, pero nangtutunggalian ang parte ng utak ko at sinasabing 'huwag akong maki-alam para manahimik ang buhay ko' at iyon nga ang gagawin ko. Mananatiling may tahi ang bibig ko.

O baka paranoid lang ako. Pero mas mabuti na rin na mag-ingat ako. Hindi imposibleng kaya rin nila akong saktan kahit pa naging malapit ako sa kanila. Kaya nila akong patayin. Iyon ang totoo.

Nandito kami sa second floor ng library. Ang presko kasi rito at ang payapa sa pakiramdam. Habang si Zyzia ay nagbabasa si Exiz naman ay katulong ni Mr. Fidelino sa pag-aayos ng mga libro. Kanina niya pa kami dinadaan-daanan. At kada daan nito sa harap ko ay kinikindatan nya ako. Haays. Napasampal na lang ako ng mahina sa pisngi ko at napa-iling.

Iyong tingin pa lamang niya ay pamatay na. Paano pa kaya kapag ngumiti at kumindat pa siya? Makalaglag panga. Paano na? Parang may tumitibag sa malaking harang sa puso ko at may nagpupumilit na pumasok...Pero ayoko.

Mayamaya ay dumating na si Patrice kasama yung apat. Mala meteor garden tuloy ang datingan nila. Kakatapos lang din ng mga ito sa kanilang mga obligasyon. Bagsak ang mga katawan nila na sumalampak sa upuan at mukhang pagod na pagod.


Sinadya nilang magkaroon ng isang bakanteng upuan sa tabi ko. At nang tumabi sa akin si Exiz ay nalaman kong para sa kanya pala ang pwestong iyon. Haays.

May kung anong card siyang inabot sa lahat, nung damputin ko ito at basahin ay isa pa lang invitation. Birthday invitation para sa kanya. Mabilis naman akong lumingon kay Exiz, nakalimutan ko ang tungkol sa kaarawan niya.

Paano na? Pupunta ba ako? Magagalit kaya siya kung hindi ako makarating? Bakit naman siya magagalit? Walang dahilan. Hindi ako ang importanteng bisita. So, no need to worry. Relax ka lang, Venice. Sabihin mong busy ka at hindi makakarating.

"Ikaw ang pinaka-importanteng bisita ko bukas. Wag kang mawawala ah." Rinig kong sabi niya. Mariin kong napagdikit ang mga labi ko dahil hindi ko alam ang sasabibin o idadahilan. Pinag-iisipan ko pa nga lang sana na hindi pumunta eh.. Kainis! Gagastos pa ako. Hindi pwedeng mukha akong basahan doon. At mas lalong hindi pwedeng wala akong regalo sa kanya. Wala na nga akong pera eh.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now