Prologue

82 19 0
                                    

Prologue

Run to save your life or stop to fall in love...

I chose to...

--

Papasok na sana ako sa restroom ng girls nang bigla na lang may humila sa bag ko kaya hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob. At nang sandaling lingunin ko na ang kung sinong taong ito ay bumungad sa aking harapan ang isang matipuno at makisig na lalaki na parang padala yata ng langit dahil sa angking kagandahang tabas ng kanyang mukha.

Okay, scratch that, medyo exaggerated 'yung description ko sa kanya sa part na iyon. Sapat na 'yung matipuno at makisig, saka maganda ang hulma ng mukha. I can't deny it.

Napasimangot ako. He was the guy who's always glaring at me from a far. And I wasn't sure if he also have motive on planning to kill me. Mukha kasi siyang may lihim na galit sa akin na hindi ko maintindihan. Like hello? Transfered student siya kaya alam kong wala akong atraso sa kanya. Unless may sayad siya utak.

"You're Venice Ja Fuentes, right?" He harmlessly asked nang sandaling tuluyan akong mapaharap sa kanya. Nakahawak pa rin siya sa aking backpack.

He was staring at my face like he was memorizing every detail of it, and I suddenly felt conscious. Oh god, ito na yata iyong sandaling babanatan niya ako.

And by the way, kaklase ko na siya sa loob ng halos isang buwan at nasa likuran ko lamang siya, hindi ako magtatakang hindi pa niya kabisado ang pangalan ko.

Marahan na lang akong tumango saka siya muling tinalikuran.

"Sandali lang naman, kinakausap pa kita." Hinila niya ulit ang bag ko kaya muli akong napatigil.

"Ano bang kailangan mo?" Iritable kong tanong. Hindi ko na naitago ang pagsasalubong na aking kilay.

"Liligawan kita." Diretso niyang sabi habang nakangiti. Mas lalo akong napa-kunot ang noo. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Sira ulo yata ang isang ito.

Hindi ko alam kung mapipikon ako o matatawa.

Tunaw ba ang utak ng lalaking ito? May sayad, o ano? Husto sa ka-gwapuhan, kulang-kulang naman.

"Hindi ka nga sigurado sa pangalan ko, tapos liligawan mo ako? Ayos ka lang ba, Mr?"

Alam ko ang mga ganitong galawan ng lalaki, obviously patibong itong ginagawa niya. Gosh! O baka pustahan. Psh! ang common naman kung ganoon. Alam ko na, pinagti-tripan niya ako. Tama!

Ako pa talaga ang napili niyang i-good time. I won't fall on his trap.

"But I'm willing to know eveything, every single thing about you. Just like what usual suitor does to his lady." Kinabig niya ako palapit sa kanya at wala na akong nagawa kundi ang mapatunghay sa laki ng lamang ng tangkad niya sa akin.

Hindi ako mapakagsalita dahil sa pagkatulala sa kanya. I swallowed all my words.

Ang masasabi ko lang... masyado siyang mabilis. At ayoko ng ganoong klase ng lalaki. Palagay niya sa akin, easy to get? No way.

Habang binubusog ako ng kanyang matatamis na mga ngiti at inaakit ng kanyang mapanghalinang mga mata...

Bigla ko na lamang naramdaman ang pagsakit ng aking puson at tuluyang pagbulwak ng...

Nanlaki ang mata ko at bumalik sa katinuan. Napahigpit ang kapit ko sa aking palda dahil sa sobrang kaba at pagka-alarma.

Oh my god! Hayan na nga...

Parang mas malakas ito kaysa noong nakaraang buwan. Gosh!

"Teka, bitawan mo muna ako. Kailangan kong magbanyo!" Tinulak ko siya pero mabilis niyang nahablot ang aking braso.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now