Chapter 6

22 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 6

Halos ipagtaktakan ko na ang laman ng cabinet ko sa paghahanap ng matinong isusuot para sa Party ni Exiz mamayang gabi. Haays. Ano ba naman ito. Mabuti na lang dahil Sabado ngayon, wala kaming group project.

Ibenenta ko na rin kasi yung ibang magaganda kong damit kasi nawalan na ako ng ganang um-attend sa mga ganitong Party simula ng mawala sila Mama. Siya kasi ang palaging nag-aayos sa 'kin noon. Masakit lang pag naalala ko. Bukod pa roon ay kinailangan ko ng pera para sa tuition fee ko at sa kapatid ko.

"Ate."

"Bakit?" Hindi ko siya nilingon at tiningnan ko lang ng mabuti ang mga damit na nakalatag sa kama ko at kung anong dress ang mukha pang matino sa gamit ko.

"Paakyat dito si kuya Exiz, pinapasok ko na."

"A-ano?" Nanlaki ang mata ko at rinig ko nga ang mga yabag na papalapit na sa aking silid. Natataranta ako at naging aligaga. Dali-dali kong itinago ang mga dress pabalik sa loob ng cabinet at ipinagsiksikan ang mga ito hanggang sa halos hindi ko na nga maisara.

Ano ba! Bwiset! Magsara ka! May sexy na halimaw na papasok sa kwarto natin. Bilis na!

"Venice? Anong ginagawa mo?" Mabilis  akong napasandal sa cabinet at mukhang shungang hindi lumalayo doon.

"Umh...Hi?..." Nag-aalangan kong bati.

Ayokong isipin niya na pinaghahandaan ko ang party niya mamaya. Bumaba ang mata niya at napatingin sa suot kong t-shirt na may statement na 'God is love' nakita kong bahagyang nagsalubong ang kilay niya. Oh yes sexy devil, hindi ka pwedeng lumapit. Matakot ka.


Mabuti naman at nakisama sa akin ang luma kong cabinet at matiwasay na nagsara. Walang abirya at pagloloko. Ganyan nga. Magtino ka cabinet. Mapapalitan din kita.

"Ikaw, Ano nanaman ang ginagawa mo rito?"

"Patambay lang." Tinatamad niyang sagot at dire-diretsong humiga sa magusot kong kama, Nagpagulong-gulong siya doon, dumapa, tumihaya at dumapa muli kaya lalong nagulo ang kama ko. Haays.

"Di ba dapat nag-aasikaso ka para mamayang gabi?"

"Ang bango ng kama mo, kaamoy mo." Hindi niya manlang pinansin ang tanong ko.

Isinusob niya pa ang mukha sa paborito kong unan na palagi kong kayakap pag gabi.

"Humiga ka din." Sabi niya.

"No way." Hinigit ko yung unan na yakap niya. Ayokong may ibang humahawak dun dahil baka marumihan.

"Bakit ayaw mo?" Hinigit din niya pabalik.

"Baliw ka ba?  Ayokong katabi ka. Akin na nga yan."

"Pahiram lang. Kaamoy mo 'to eh." Gosh! Bakit ba ang abnormal ng utak niya?

"Singhutin mo na lang yung pabango ko dyan hanggang sa magsawa ka. Akin na yan!"

"Ayoko, gusto ko ikaw."

"Yaks! Bahala ka nga sa buhay mo." Iniwan ko siya doon at pumunta sa sampayan namin, kinuha ko ang aking  pants at nagpalit sa CR. May gusto lang akong puntahan kasama siya haha.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now