Chapter 25

20 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 25


Sobrang sama ng pakiramdam ko pagka-gising ko kanina hanggang ngayon. Nakaka-ilang bahing na ako at pakiramdam ko ay lalagnatin pa yata ako dahil sa pagkahulog ko sa dagat kagabi. Hindi ako masyadong naka-tulog kaiisip kung totoo ba ang mga sinabi ni Damian sa akin. Mas lalo lang sumasama ang pakiramdam ko dahil sumasakit ang aking dibdib at bumibigat tuwing maalala na si Exiz ang dahilan ng pagkawala ng parents ko. 

Hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako. Parang pinaglalaruan ang utak at isip ko. Gusto kong maka-usap ng maayos si Exiz. Gusto kong marinig mula sa kanyang bibig na hindi yun totoo.

Isinukbit ko na ang aking bag dahil nag-text sa akin si Ma'am Jabuello, ang adviser ko na pwede na ulit akong pumasok at nagawan na niya ng paraan. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya.

Pagbukas ko sa gate namin ay bahagya akong nagulat nang makilala kung sino ang pamilyar na tao na nakasandal doon at mukhang kanina pang naghihintay. Ang kanyang tindig at walang kupas niyang ganda. Napalingon siya sa akin at napa-ayos ng tayo. Napansin ko agad ang pangingilid ng kanyang mga luha sa mata.

"Venice... Im sorry." Tuluyan na siyang napaluha habang kagat ang kanyang pang-ibabang labi.

Masarap marinig ang salitang 'sorry' sa taong sincere. Masarap marinig na inaamin niyang nagkamali siya. Lalo na at sa kaibigan mo pang matalik galing.

"Patrice..."

"Venice, sorry. Sorry sa lahat. Nagkamali ako. Totoong hindi cool ang maging masama. Hindi cool si Saphire. Mas gusto kong kaibigan ka. Sorry, sana mapatawad mo ako sa pang-iiwan ko sayo sa ere. Sorry nagpadala ako sa galit."

Humihikbi na siya habang nagsasalita. Halos gusto ko na rin ang maiyak. I missed her. I missed my bestfriend. Lumapit ako sa kanya at walang sali-salitang niyakap ko siya.

Uso naman ang magtiwala ulit di ba? Bakit ko ipagdadamot ang malaya at libreng kapatawaran? May pinagsamahan kami at ayokong basta na lang na masayang yun. At isa pa, hindi naman ganun kalalim at kalala ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa.

"Sus, alam mo lang na hindi kita kayang tiisin eh." At nagtawanan na kami na parang shunga. Kumalat na din kasi yung mascara niya na lalong nagpatawa sa akin.

"Venice, bakit ang putla mo? May masakit ba sayo?" Kinapa niya ako sa noo saka sa may leeg ko.

"Wala ka namang lagnat."

"Sisipunin lang siguro ako. Tara na."

Sabay na kaming pumunta sa school kahit alam kong parang humihina ang aking katawan.

Hindi ko pa muna ikinwento ang lahat kay Patrice, dahil tingin ko hindi ito ang tamang oras at lugar.

Masama ang pakiramdam ko at okupado ang aking isip sa mga nangyari at nalaman ko. Pero pinilit ko pa rin na mag-focus sa klase kahit sobrang hirap makinig sa lecture dahil nauuhaw ang isip ko sa gusto kong malaman ang mga sagot.

Nang matapos ang klase namin ay saktong may natanggap akong message galing sa unknown number.

Kinabahan ako bigla nang mabasa na nasa Hospital si Exiz. Nakalagay din dun ang address ng Hospital at kung anong number ng room niya.

Sinabi ko yun kay Patrice kaya hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad na humagilap ng jeep. Malakas ang pintig ng puso ko habang nasa byahe dahil nag-aalala ako. Bakit siya na-hospital? Ano bang nangyari sa kanya?

Nang makarating sa Hospital ay hinanap ko agad ang room 131.

"Ah, Venice mauna ka na. Kanina ko pa ito tinitiis sa school. May LBM pa yata ako." Tumango ako at tumuloy na kami sa magkaibang direksyon.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now