Chapter 7

23 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 7

    
                   

Maka-ilang ulit akong humarap sa salamin. Tatalikod, haharap. Ngunit parang may kulang talaga sa hitsura ko ngayon. Maayos naman ang suot ko, an elegant long light pink lace dress. Hilig ko kasi ang magsuot ng mga light lang ang kulay. Parang ang lamig at ang lambot lang sa mata. Lalo na yung mga kulay ng marshmallows.

Hinaplos ko ang leeg ko, kung nasa akin pa sana yung kwintas na binigay ni mama. Baka sakaling magmukha akong mamahaling manyika kahit papaano. Ang kaso naiwala ko kaya mukha na lang akong mumurahing manyika na nabibili lang sa kung saan.

Muli kong hinawakan ang kinulot kong buhok. Marahan ko ring inayos ang manipis kong bangs na sinadya kong ilantad.

Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko ako ang magiging pinaka cheap na nilalang doon. Pilit akong ngumiti sa harap ng salamin. "Hindi ako pupunta doon para sa kanila kundi para kay Exiz, para sa lalaking---basta."

Nilingon ko ang orasan sa may wall ng kwarto at 8:43pm na.

Pagbaba ko sa may hagdan ay naabutan kong naka-upo sa may sofa si Riuz habang tutok na tutok sa kanyang laptop.

"Riuz ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ah. I-lock mo lahat." Hindi niya ako tinapunan ng tingin at tumango lang siya.

Kahit ako kinakabahan rin sa nangyari sa kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kanya ang lahat at parang walang nangyari.

"Naks ate, ganda ah." Sabi niya nang mapansin ang ayos ko. Napangiti naman ako sa kanya at sumagot.

"Thanks kapatid. Nasa lahi yan haha."

"Sige ate, goodluck. For sure uuwi kang may ngiti sa mga labi"

"Ha?" Napakunot noo ako sa huli niyang sinabi. Hindi ko kasi gets. Pareho sila ni Exiz na ang ewan ng mga sinasabi.

"Wala. Yung regalo mo kay kuya Exiz?"

"Re-ga-lo? Shocks! Regalo nga pala. Bakit nakalimutan kong bumili? Nako naman. Baka hindi ako papasukin sa loob kasi wala akong dala." Nagpalakad-lakad ako pabalik-balik sa harap ni Riuz at nag-iisip kung ano ba ang pwede kong maibigay.

"Relax ate, okay lang ‘yan. Basta nandun ka, ayos ng regalo yun." Nakangiti niya pang sabi habang natatawa.

"Nakakahiya." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may bumusina sa labas ng bahay namin.

Sinilip ko muna sa may bintana kung sino yun at isang puting Van ang nakahinto ngayon sa labas ng gate namin. Bumaba ang limang lalaking may malalaking katawan. Hindi ko sila kilala pero familiar yung isa. Oo, tama. Siya yung kaninang sumundo kay Exiz. Yung lalaking kabang-kaba.

Nagulat nanaman ako ng mag ring ang cellphone ko at pangalan ni Exiz ang tumambad sa akin. Bibihira itong tumawag, tuwing may importanteng sasabihin lang o kung may problema. God! Sasagutin ko ba? Baka galit siya kasi late na ako. Okay, huwag assuming. Hindi naman ako ang pangunahing bisita doon.

Tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Napansin kong biglang kinabahan ang kapatid ko.

"Miss Venice, Pinapasundo ka na ni Sir Exiz." Malakas ang boses nung lalaki at mukhang nakakatakot. Boses pa lang alam mo ng malaking tao ang nagsalita.

"Sandali lang po." Tugon ko. Kasi sasagutin ko muna ang tawag ng isang guwapong halimaw. Biro lang, hindi naman siya mukhang halimaw...ugali lang.

"Exiz, bakit napatawag ka--"

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now