Chapter 9

23 16 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 9

Nang makarating sa bahay ay natuon agad ang atensyon ko sa bagay na nasa harap ng pinto. Kahit nagtataka ay dinampot ko pa rin ang isang box na kasing laki ng lagayan ng sapatos. Sino naman kaya ang nag-iwan nito sa labas ng pinto ng bahay namin? Dahan-dahan ko itong binuksan ngunit nabitawan ko rin agad habang kumakabog ng malakas ang aking dibdib.

Kumalat ang mga dugo mula sa loob ng box na ngayon ay malayang umaagos sa sahig. Halos mahimatay ako sa nakita kong dami ng umaagos na pulang likido. Nanginginig ang kamay ko dahil takot talaga ako sa dugo. Ang malansang amoy nito, malagkit at nakakadiri na nagpapakilabot sa akin.

Napalunok ako at nanginginig na pinulot ang isang bagay na nakasupot kasama ng maraming dugo.

Marahan ko itong binuksan para hindi ko masyadong mahawakan ang malagkit na pulang 'yon, pero wala, nabahiran pa rin ng nakakadiring likido ang mga kamay ko. Tumutulo na ang pawis sa gilid ng aking sintido at nanunuyo na rin ang aking lalamunan.

Kinuha ko mula sa loob nun ang isang maliit na note at nakita kong pulang tinta ang ginamit na panulat.

"Bayad o singil? Tick tock, time is running."

Napalunok nanaman ako habang inililinga ang paningin sa paligid. Ano ito? Hindi ko maintindihan. Kung sino man ang taong ito ang lakas n'yang maka- 5 6. Dinaig pa ang isang bumbay kung maningil.

Pero kung lalaliman ko ang ibig sabihin ng nakasulat. 'Bayad o singil?' Kusa akong magbabayad? O Siya ang bahalang maningil kung ano ang gusto niyang kabayaran. Na baka gusto niyang kabayaran ay buhay naming magkapatid? Nangangatal ang labi ko sa kaba at takot. Alam kong ang nambugbog kay Riuz ang nagpadala nitong death threat, wala ng ibang gagawa nito kundi yun lang.

Mabilis kong isinilid sa aking bulsa ang maliit na papel dahil ipapakita ko ito sa mga pulis.

50 million? Sobrang laking halaga ng hinihingi niya o kung ilan man sila. Saang lupalop naman ako hahagilap nun? Kahit yata ibenta ko ang lahat ng lamang loob ko ay kulang pa ‘yon.

Muntik na akong mapatalon nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya napahinga ako ng malalim dahil sa gulat. Kahit puro dugo ang kamay ko ay kinuha ko pa rin yun sa bulsa ng palda ko.

Si Patrice pala.

"Hello?" Walang gana kong bungad. Paano ako gaganahan kung may ganitong problema ako? Death threat 'to at hindi dapat baliwalain.

"Nasaan ka na?" Hyper niyang tanong.

"Nandito sa bahay."

"Bakit umuwi ka agad? May announcement pa." Uunahin ko pa ba 'yon? Wasak ang puso ko at mas lalo pang nadudurog dahil dito sa nangyayari sa akin.

"I-text mo na lang sa 'kin kung ano ‘yon."

"Ano ka ba, importante raw sabi ni Mrs. Cordejo." Si Mrs. Cordejo ay secretary ni Principal Lewis.

"Okay."

"Bilisan mo, five minutes." Sabi niya at nag end na ang call.

Agad akong naghugas ng kamay at pinunasan ang mga dumikit na dugo sa damit ko. Hindi na ako nag-abala pang magpalit dahil hindi naman na halata. At isa pa aalis din naman ako agad pagkatapos ng announcement na 'yon. Nag spray din ako ng pabango para hindi malansa dahil kahit sinabon ko na ang kamay ko ay naroon pa rin ang amoy ng dugo.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now