Chapter 14

28 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 14

Kanina pang umalis si Exiz kasama ang apat na binata. May mga lalaki ring dumating upang magbantay sa amin ng kapatid ko kung sakaling may magpuntang hindi kaaya-ayang tao. Sanay na sanay na talaga ako sa presensya ng mga lalaki dahil palaging sila na lang ang kasama ko. Haays, buti na lang at hindi na yun bago dahil may kapatid din ako na lalaki.

Kanina pa akong nagpaikot-ikot dito sa loob ng silid. Tumutulo na ang pawis sa gilid ng noo ko kahit hindi naman mainit ang singaw ng panahon. May kung ano sa akin na pakiramdam ko'y kinakabahan ako ng sobra na hindi ko maintindihan. Girls instinct. Ayoko kapag ganito ako, I hate this feeling. Sana naman walang masamang mangyari kay Exiz dahil hindi ko talaga kakayanin.

Napaupo na lang ako sa kama kasabay ang malakas na pagbuga ko ng hangin.

Wala lang ito.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko kahit panay pa rin ang malakas na kabog sa aking dibdib.

Alas-cinco na kasi at malapit ng mag ala-sais pero wala pa sila. Kaninang nine pa sila umalis na wala manlang nababanggit kung saan ba talaga sila tutungo. Sinabi lang sa akin ni Exiz na ‘babalik din ako agad’ pero hanggang ngayon wala pa. Maski text o tawag man lang wala. Ito yung sinasabi kong mahirap sa ginagawa niya. Natatakot lang ako na baka isang araw bangkay na lang siyang ihahatid sa akin.

Oh gosh, Venice. You're so paranoid. Kalma...dadating din ang asawa mo este boyfriend pala.

Nasampal ko na lang ang sarili ko kasi kung anu-ano na ang naiisip ko.

Mayayari talaga sa akin si Exiz hanggang mamaya.

Ba't nga ba ganon ang mga babae ano, hindi pa dumadating yung hinihintay nila pinagpa-planuhan na ng masama.

Eh kasi naman, hindi ba niya alam na nag-aalala ako? Nakakainis! Ang sarap lang higitin ng patilya niya at gripuhan siya sa tagiliran, pero kasi hindi naman ako nananakit kaya hindi ko yun magagawa.

Nagulat na lang ako sa marahas na pagbukas ng pinto na halos ikasira nito dahil sa lakas ng lagapak kaya napaatras ako at nanlaki ang mata. Tumambad sa akin ang humahangos na si Damian habang hinihingal at tagaktak ang pawis na tumutulo mula sa kanyang noo patungo sa gilid ng kanyang pisngi pababa sa leeg.

"Damian! Anong nangyari? Bakit---

“Venice, si Exiz...Na...nabaril.” Paputol-putol niyang sabi habang habol ang hininga.

Nanlamig ang buo kong katawan at parang unti-unti akong nagiging yelo dahil hindi ako makakilos sa pagkagulat sa narinig ko. Dumadagundong sa dibdib ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa takot. Nag-uumpisa na rin magtubig ang mata ko dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip ko na maaaring mangyari sa kanya.

“A-ano?” Ulit ko pa kahit malinaw ko namang narinig dahil umaasa akong mali ang dinig ko.

“Tara na! Puntahan na natin siya. Bilis!” hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya nilapitan na niya ako at hinawakan sa pulso saka hinigit

Hindi ko namalayan na papalabas na pala kami ng bahay dahil parang nawawala ako sa wisyo at katinuan ko. Natatakot lang akong baka mawala sa akin si Exiz lalo pa at hindi ko nakikita ang kalagayan niya ngayon. Parang gusto kong magkapakpak bigla at liparin na lang kung nasaan man siya ngayon dahil gustong-gusto ko na siyang makita agad.

Sumakay na kami sa kotse ni Damian at mabilis naman niya yung pinatakbo.

Habang nasa byahe ay panay lang ang pagdadasal ko. Hindi ko alam kung saan kami patungo o kung ano ang daang ito dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar. Basta ang sabi lang sa akin ni Damian ay nasa isang bahay daw ito at doon inooperahan dahil hindi siya pwedeng dalhin sa Hospital. Tahimik lang ako at hindi ko na napigilan ang mapaluha habang nagdadasal pa rin sa aking isip. Gusto ko lang ay makarating na agad ngayon kay Exiz kaya halos paliparin na ni Damian ang kanyang sasakyan. Ang akala ko’y hindi ko na mararamdaman ang ganitong takot kagaya noong na-kidnapped si Riuz,  pero heto nanaman ako at halos manlambot na ang tuhod.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now