Chapter 3

38 17 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 3

Kasalukuyan kaming papunta kung saan nakalagak ang mga bangkay ng aming principal at pamilya nito para makiramay.

Nakasakay ako sa kotse ni Exiz at nasa passenger seat ako. Samatalang yung iba ay nasa kanya-kanya nilang sasakyan dahil naisanla ko kasi ang dating kotse ng mga magulang ko dahil kapos na kapos kaming magkapatid. Na hindi ko din naman natubos.

Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya. Hindi mawala-wala ang kunot sa kanyang noo magmula pa kanina. Ano kaya ang iniisip niya? Masyadong seryoso ang aura niya ngayon at hindi ako kumportable. Kanina pa akong balisa at pinagpapawisan talaga ang kamay ko. Kahit ayokong sumabay sa kanya dahil natatakot pa rin ako, tinitiis ko na lang kasi wala akong choice at baka makahalata pa siya.

Tahimik ang buong byahe na nakakapanibago. Madalas kasi siyang madaldal sa lahat ng oras, samantalang ngayon ay wala maski isang salita ang lumalabas sa bibig niya. Maski ang buksan ang usapan tungkol sa nangyari ay hindi niya magawa. Inobserbahan ko na lang kung paano siyang magmaneho. Seryoso ngunit naroon ang gentle. Relax lang ang bawat tapak at pag-ikot nito sa manibela at sanay na sanay kung magmaneho. Sanay din kaya siyang humawak at gumamit ng baril kagaya ni Damian? Possible. Sa tagal kong alam ang pangalan niya...pangalan nga lang pala talaga ang alam ko sa kanya. Hindi ko pala talaga siya kilala. Hindi ko alam kung ano din ang kaya niyang gawin kaya nag-aalala ako para sa sarili ko.

Paano ko ba silang matatakasan ng hindi ako masasaktan?

"Huwag mo 'kong masyadong titigan, kinikilig ako." Nagkaroon ng kaunting bahid ng ngiti ang kanyang labi at bahagya akong sinulyapan. Inirapan ko na lang siya dahil kalalaking tao, assumero.

"Uso din ang hindi mag-assume, Exiz." Sagot ko na parang hindi natatakot sa kanya. Magkaiba ang titig at pag-o observe. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang niya akong itulak palabas ng sasakyan kung magagalit siya sa akin.

Pakiramdam ko...sa isang iglap naging stranger ulit siya. Yung stranger na hindi dapat pagkatiwalaan.


Tumawa lang naman siya ng mahina at hindi na ulit nagsalita.

Ilang minuto lang ay nagpa-park na siya dahil nandito na kami. Marami ring mga kotse ang nakaparada at may mga pulis din na nagkalat. Ang tapang din naman talaga ng mga lalaking kasama ko dahil hindi man lang nasisindak sa mga pulis na nakapaligid. Paano ba nila nagagawang umaakto ng normal at hindi talaga kahina-hinala? Kung sumigaw kaya ako ngayon dito at sabihing sila ang may mga sala? Baka...baka bigla na lang nila ang paputukan at barilin. Or gawing hostage?  

Marami din akong nakikitang mga schoolmates namin, mga taong mukhang nasa business industry, mukhang mayayaman at bigatin. Hindi kataka-takang importanteng tao talaga si Principal at hindi siya basta-basta.

Bumungad sa harap ko ang isang napakalaki at magandang bahay. Malawak, maraming bintana at halatang napaka-garbo. Mansion sa madaling sabi. May fountain pa gitna ng garden nun. Ngunit nakakalungkot lang isipin na isang buong pamilya ang pinaglalamayan ngayon dito kaya hindi ko ito makitaan ng kahit anong ganda.

Bago pa lang sana kaming papasok sa loob ngunit may lumapit na sa amin na dalawang pulis.

"Mga hijo, hija. Makikiramay ba kayo?"

Sabi nung isa. Medyo mataba ito at sa tingin ko ay hindi pa katandaan ang edad,  nasa 40's siguro siya. Samantalang yung isang kasama niya ay halatang binata pa dahil nasa 20's lang ito. Sa akin siya nakatingin, este nakatitig pala kaya hindi ako kumportable. Hindi ko gusto ang paraan niya ng pagtitig dahil naiilang ako at medyo natatakot. Bagaman ay may kaunting ngiti ito ay hindi ko pa rin yun nagugustuhan kahit pa may hitsura siya at cute.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now