Chapter 8

21 16 0
                                    


BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 8

                  

                 

Ramdam kong nagtubig ang mata ko kaya pinipilit kong pigilan ang nagbabadyang patak ng luha. Tumingala ako at kinagat ang ibabang labi, medyo malakas at halos magdugo.

Akala ko kaya ko siyang makita na bastang umaalis na ganoon lang. Akala ko ganoon ako kalakas para panindigan ang desisyon ko, pero traydor ang mata ko at isinasampal pa sa akin na ang hina ko. And I could litterally slap my face for being this weak!

I wiped away my traitor tears. There's no reason to stay here. Sino pa ang haharapin ko?

Naabutan kong naghihintay si manong na higante sa gilid ng pinto sa labas nitong magandang garden. Prente lang siyang nakatayo ng tuwid habang ang mga kamay ay nakatago sa likod.

"Miss Venice, ihahatid na kita palabas ng mansion." Nagsalubong bigla ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung medyo maiinis ako o ano kasi parang alam na alam niya na aalis na ako. Na parang gusto nilang umalis na ako, ngayon mismo! Fine. Yun naman kasi talaga ang gagawin ko at wala ng iba. Pinagtatabuyan na yata talaga ako dahil ganoon ang dating sa akin. Hindi naman na kasi nila kailangan ipa-alam kasi alam ko yun. At teka, bakit ba ako naiinis?

"Pasensya na po. Hindi nyo na ho ako kailangang ihatid palabas ng mansion. Kaya ko na po. Salamat." Malamig kong tugon. Alam ko naman kung paano ako nakapasok rito so dun din ako lalabas, malamang tss!

"Ngunit utos ni Sir---"

"Gusto ko pong mapag-isa." Putol ko sa sinasabi niya. Hinawakan ko ang mahaba kong bistida at mabilis na naglakad palayo.

Napangiwi ako ng makaramdam ng nakakainis na sakit sa tiyan. Gutom ako at wala pang kain sa hapunan. Pero iba ito sa pakiramdam na gutom.

Nakakainis! Bakit ngayon pa?

Agad kong hinagilap ang banyo kaya tinanong ko yung isang babaeng server na nasalubong ko.

"Kanan, diretso tapos kaliwa."

"Thanks." Ang weird lang kasi parang robot siyang magsalita. Pinabayaan ko na siya at tumuloy na ako papunta sa CR.

Hindi ko alam kong gaano ako katagal sa banyo basta ang mahalaga mailabas ko lahat.

Lumabas na ako't normal na naglakad patungo sa exit ng mansion.

Nakasalubong kong muli si ateng server at nagulat ako nang alukin niya ako nung inuming dala niya. 'Yong kanina ko pang kinasasabikang matikman. Medyo broken hearted ako ngayon kaya bakit hindi? Sa tingin ko naman ay hindi iyon nakakasalasing.

Kumuha ako at inamoy muna iyon. Kung kanina ay madilaw ang kulay, ngayon ay kulay lila. Nakakaakit ang hitsura nito. Mabango, amoy prutas. Tinikman ko't masarap, hindi ganoon kapait. Parang juice lang. Tuloy-tuloy ko 'yong nilagok at naka-isa pa ako.

Nakita kong ngumisi si ate pero nilampasan ko na siya matapos kong maubos ang iniinom ko. Sapat na ‘yon. Hindi ako marunong maglasing.

May mga nakakasalubong ako ngunit parang may kakaiba. Napansin kong tuwid lang silang naglalakad at hindi kumukurap. Yung parang nag sleep walking pero mulat at walang kurap. Nakakatakot sila. Ang weird.

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now