Chapter 18

21 17 0
                                    

BEAUTIFUL DEAD LEAF

Chapter 18

              

"Baby, are you ready?"

"No." Sagot ko saka humikab at napayuko na parang zombie.

"Okay ka lang ba?"

"No."

"Okay, let's go." Kinaladkad na niya ako papalabas ng bahay. Alas-tres pa lang ng madaling araw ngayon pero ginising na niya ako! Gosh! Nakakainis talaga siya kahit kailan.

Gusto daw kasi niyang mapanuod ang sunrise. Yes, bukang-liwayway. Hindi ko nanaman alam kung ano ang pumasok sa utak niya at biglang na lang naisipan na gustong mapanuod ang papasikat na araw.

He's really unpredictable. And I hate him as being a type of human riddle. He's an equation I can't solve. But he's a monster I can control.

Patungo kami ngayon sa talampas na sinasabi niya dahil kitang-kita daw dun yung sunrise. Pero heto kami at madadaanan muna ang malawak na kagubatan bago marating ang talampas na yun. Ang dilim-dilim pa naman at tanging isang flashlight lang ang dala niya. Malamig din ang hangin at nakakatakot marinig yung mga huni ng ibon ng parang pang-horror.

"Damian, sigurado ka ba? Inu-uto mo lang yata ako eh? Baka plano mo lang talagang iligaw ako at ipalapa sa kung saan." Reklamo ko pero narinig ko naman siya na mahinang napatawa.

"Ako lang ang lalapa sayo."

"What?!" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko habang hawak niya pa rin ako sa aking pulsuhan.

"Wala." Sagot niya at marahan akong hinila saka naglakad.

"Ang bastos talaga ng bibig mo."

"What? I didn't say anything. May narinig ka bang sinabi ko? Wala naman 'di ba?" Palusot niya pa habang natatawa. Wala talagang aasahang magandang salitang lalabas sa kanyang bibig. Puro kasalanan lang sa pandinig ko.

Masyadong mabagal ang mga paghakbang na ginagawa namin na parang namamasyal lang kami sa kung saan. My god! Paano kaming makakarating agad niyan sa pupuntahan namin? Mukha yatang ine-enjoy niya pa ang kadiliman at kalamigan sa mga sandaling ito, at hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"Uuwi na lang ako." Kinalas ko na ang pagkakahawak niya sa akin saka siya tinalikuran at lumakad na para bumalik.

Ilang hakbang na ang nagagawa ko subalit nakalimutan kong wala pala akong dalang ilaw. At ang ipinagtataka ko.. hindi manlang siya umangal na aalis na ako.

Kakaiba dahil kadalasan ay pinipigilan niya ako.

Muli akong humarap sa kanya at saktong paglingon ko ay bigla na lang niyang pinatay ang hawak na flashlight.

Great, ngayon ay wala na talaga akong makitang kahit na ano. Ang sama niya talaga kahit kailan dahil alam kong sinadya niya yun.

"Damian?" Tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya sumagot, sa halip ay isang nakakatakot na sipol ang itinugon niya. Nangilabot naman ako dahil parang pang-serial killer yung ginagawa niyang tunog.

Diyos ko, eh killer naman talaga siya. Ako na ba ang next victim niya dahil may lihim talaga siyang galit sa akin? My gosh, napa-praning nanaman ako.

Mukhang malapit lang naman ang kinatatayuan niya base sa lakas ng kanyang sipol kaya sinundan ko yun. Pero nang sandaling humakbang na ako ay bigla na lang niya yung itinigil.

Gosh! Nakikipaglaro nanaman siya.

"Damian, I hate playing with your weird games. Stop this. Buksan mo na yung ilaw."

Beautiful Dead LeafWhere stories live. Discover now