II

3.3K 74 7
                                    

"Girl, chill lang kasi! Ano bang nangyari kaya ka mukhang handang pumatay ng tao ngayon?" paulit-ulit na tanong ni Ria mula kanina 'nung nagkita na ulit kami at napansin niya ang pagbago ng modo ko.

Naku, kung alam niya lang ang buong istorya, panigurado susuportahan pa ako nito sa gagawin kong murder, eh. Kung hindi lang bawal ang pumatay sa mundo, matagal ko nang na-delete sa mundo ang Hiro na 'yon.

Nakakagigil! Sobra!

"Shut up na lang ako," sagot ko kay Ria. Halatang hindi siya nasiyahan sa sagot ko. Choosy pa siya when in fact ang swerte niya na nga dahil sumagot pa ako kahit inis na inis na ako.

Alangan naman kasing sabihin ko na sa kaniya ang buong kuwento eh less than an hour pa lang kaming magkakilala. Tapos ayoko na ring pag-usapan pa ang kung anong meron sa amin ni Hiro dati. It's all in the past and and it will stay there forever. Kahit walang ganoon.

And speaking of Hiro, promise, sobrang nagulat ako nang nakita ko siya kanina. Who would've ever thought na dito pala nag-enroll ang isang 'yon? Buong akala ko pa naman doon pa rin siya aaral sa St. Sebastian's. Bakit ba naman kasi lagi nalang mali ang mga akala ko?

Sa sobrang pagkagulat ko kanina dahil parang ayaw ko pang paniwalaan ang nakita ko, naglakad na lang ako palayo na parang dedma lang at umastang parang hindi ko man lang narinig ang mga sinabi niya o di kaya'y hindi siya nakita.

Wala akong choice, I swear! Sobrang awkward! Hindi ko alam kung anong dapat na gawin kaya ko naisip na siguro mas mabuting lumayo na lang ako. Pinangunahan talaga ata ako ng kaba kanina.

"Ang lalim na naman ng iniisip, ah." Si Ria na naman ang nagsalita at ginalaw-galaw ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "From Earth to Astrid, are you there?"

Tinampal ko ang kamay niya palayo sa mukha ko. Ang kulit talaga nito as ever. Hindi man lang nahiya sa 'kin o ano. We've only just met pero akala mo naman ilang taon na kaming magkaibigan. Hindi ko naman sinasabing mali 'to or against ako sa pagka-friendly niya. 'Yung concern ko lang ay ang pagka-super-friendly niya.

Pagkatapos ng flag ceremony na inabot ng halos dalawang oras dahil sa napakaraming unnecessary intermissions and speeches, sa wakas ay bumalik na kami sa classroom. Pumasok na rin ang lalaking bumukas ng pinto kanina na kumpirmado nang adviser namin.

"Good morning, students. I'm Romulo Viejo and I will be your adviser throughout the year. I teach pre-cal."

Nagulat agad ako sa pre-cal. Siya ang adviser namin kaya siguradong pre-cal na agad ang subject namin sa first period.

Wow, ha. Wow.

"Let's wait for the others first before you start introducing yourselves in front of the class."

Tinignan ko ang mga nasa paligid ko at nakitang hindi pa pala kami kompleto. Marami pang kulang. Siguro mga sampu pa. Kinabahan agad ako dahil alam kong walang imposible sa mundo. Alam kong may chance na maging kaklase ko si Hiro.

We've talked about this before. Nasabi niyang gusto niyang maging engineer kaya natural lang na STEM ang kukunin niyang strand. May anim na sections and the sectioning is based on the date of the enrollment kaya sobrang posible talaga na maging mag-classmates kami, which is unfortunately a bad thing.

Pinagpapawisan na 'ko ng malamig. Paano na lang 'pag nakasama ko ulit 'yon sa iisang room? Parang ang awkward lang. At isa pa, I've been wanting to run away ever since. Kaya nga 'ko nagmamadaling grumaduate ng JHS para makatakas na tapos ganito lang ang mangyayari?

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon